Open Forum Habang kinakain ng dilim ang buong paligid ay nagiging marami narin ang mga campers sa open space. Nagsilabasan na silang lahat sa mga tent nila at pinapanood ang mga lalakeng bumubuo ng malaking bonfire para mamaya. Sa pagkakaalam ko ay may open forum daw. Yung tatayo ka sa gitna para sabihin ang gusto mong sabihin. Wala naman akong nakaclose sa mga campers maliban sa magpipinsan at sa mga babae na kilala ko na talaga. Nagpaalam si Aly sa akin na uuwi daw muna siya sandali. Babalik daw siya mamaya. Ewan ko kung anong gagawin ng babaeng iyon. "Here..." Napakurap ako sa inilahad ni Sky sa akin. Isa iyong perfume na halatang nanggaling pa sa ibang bansa. Nakita ko na ang hugis ng mamahaling pabango na ito sa mga pabango ni Ellie. Lalo na ang pangalan ko mismo na mukhang panga

