Galit "Ba't hindi mo agad sinabi sa akin Channy?! Hindi ako makapaniwalang ganoon pala kayaman ang napangasawa mo! Ampunin mo nga ako! Kahit yaya lang ako noong aso mo ay papatulan ko! Basta yung pasahod ko ay sapat na para mabuhay ako sa syudad! Channy! Grabe... teka, magpapabuntis narin ako sa syudad!" Para na akong mabibingi sa mga pinagsasabi ni Aly. Kanina pa iyan. Hindi ko siya maawat sa pagwawala. Ilang beses niya narin iyang sinabi. Niyuyugyog pa ako o kaya ay hahampasin ako. Para siyang sinapian ng sarili niya ng pangsampong beses at ganyan siya kahyper. Tumayo ako at lumabas ng kwarto niya para uminom ng tubig. Siya naman itong bumuntot parin sa akin at pinagpipilitan ang isang bagay, ang ampunin siya. Ang magiging kasunod naman niyan ay ang pagcocompliment niya kay Harel.

