
Shania Ygnasha Locsin is very controlling. Gusto niya na ang lahat ng nangyayari sa paligid niya ay naaayon sa plano niya. She would be wrecked if things don’t go her way.
Nang kumonsulta siya sa magaling na manghuhulang si Madam Chenelyn ay nalaman niya na kapag hindi pa niya napakasalan ang lalaking nagngangalang Royther Ortega bago siya mag-treinta anyos ay magiging miserable siya habambuhay.
Subalit nang nagkita sila ni Royther Ortega sa high school reunion niya ay kakakasal lang nito sa kaklase nilang si Louisina, ang pinakamagandang babae noong high school sila.
Her world was shattered. Ibig sabihin ay magiging miserable na siya habambuhay. Hindi siya papayag!
Pero ayon kay Madam Chenelyn ay may paraan pa para makuha niya si Royther kung babalik siya sa panahon. Kailangan niyang mapaibig si Royther bago pa dumating si Louisina sa mga buhay nila.
