"Best wishes, hija." Niyakap ako ni Ninang bago kami sumakay sa bridal car papunta sa simbahan. Silang dalawa ni Ninong Dante ang tatayong mga magulang ko sa aking kasal. "Kung buhay lang sina Victor at Magda," saad ni Ninong Dante. "Tiyak kong matutuwa sila dahil sa wakas ay ikakasal ka sa simbahan. 'Yon ang pangarap nila para sa 'yo." Ngumiti lang ako. Hindi ako umimik dahil naaalala ko na naman ang mga magulang ko. Hindi natupad ang pangarap nila sa akin nang magpakasal kami ni Fern sa Las Vegas. Civil wedding lang kasi 'yon at hindi namin ipinaalam sa kanila. Ngayon ay sa simbahan kami ikakasal ni Chuck pero wala na ang mga magulang ko. Hindi na nila makikita kung gaano ako kasaya sa araw na ito. Ayaw man nila kay Chuck para maging asawa ko ay pinakita naman ng huli na karapat-dapat
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


