Chapter 67 "Relax, Sweetheart," bulong ni Chuck matapos akong yakapin. Hinaplos niya ang tiyan ko. "Never ever stress yourself, okay? Magiging maayos din ang lahat." Kinintalan niya ng halik ang labi ko. "I can't help it, Sweetheart." Inayos ko ang necktie niya. Alam kong kinakabahan din siya pero pilit niya iyong itinatago. Marahil ay ayaw niya akong mamroblema dahil na rin sa kalagayan ko. "Maimpluwensiya ang babaing iyon. Napakarami niyang koneksiyon." "Wala ka bang tiwala sa magiging asawa mo, ha, Sweetheart?" Pilit siyang ngumiti. "I can win this, we can win this. I hired the best lawyer in town." "What if... Chuck." Isinandal ko ang aking ulo sa balikat niya. "I'm afraid," sa wakas nasabi ko. "I don't want you to go to jail." "No one's going to jail." "But... what if..." Ipinu

