Chapter 66 Maayos kaming naghiwalay ni Fern nang hapong iyon. Ipinaliwanag ko sa kaniya na kahit ano ang mangyari ay hindi na talaga kami magkakabalikan pa. Wala naman akong natanggap na reaksiyon mula sa kaniya maliban sa simple niyang pagtango na waring napipilitan. Hangad ko na sana ay maging magkaibigan kami para na rin sa anak naming si Clint. Ipinagpasalamat ko na lang na nabawasan ang bigat sa aking dibdib. Sadyang gano'n pala talaga. Pilitin ko man siyang kalimutan ay hindi maaari dahil may buhay na alaala na siyang bunga ng pagsasamang iyon. Sana sa mga araw, buwan o taon na lilipas ay maalala ko siya bilang si Fern na unang minahal ko. Hihintayin ko ang araw na tuluyan ng maghilom ang sugat na iniwan niya sa puso ko. Gabi na nang makauwi ako sa bahay dahil dumaan ako sa ospita

