Chapter 61 Kinaumagahan ay nagpaalam na si Mamita. Kailangan na raw niyang umuwi dahil may party mamayang hapon sa bahay ng kaniyang kaibigan. Iyon kasi ang head ng isang charitable intstitution na sinusuportahan ni Mamita at hindi siya makahindi dahil malaki ang naitulong sa kaniya ng kaibigan niyang iyon. "It's just a suggestion, coach," dinig kong saad ni Clint nang nasa bungad na ako ng pinto. Hinatid ko kasi si Mamita sa labas at ako na ang nagsara ng gate dahil mamaya pa darating ang mga kasambahay. "Parang laglagan na ito, boy, ah," pabirong tugon ni Chuck pero dama ko sa boses niya ang inis. Pinaupo niya si baby sa sofa at tiningnan nang diretso si Clint. "Balimbing na yata ang paborito mong prutas at hindi na mansanas." "Coach naman! 'Kaw pa ba ilalaglag ko? Kasangga kaya kit

