Chapter 15
Sumilay ang ngiti sa labi ko nang makalabas ako ng opisina at nabungaran si Chuck. Kausap niya ang ilang empleyado at sa tingin ko ay kakilala niya ang mga iyon. Nakipagkamay pa ang iba, ang iba naman ay tinapik pa siya sa balikat.
Naroon sa tabi niya ang stroller kung saan nakaupo si baby na panay ang ngiti kapag kinakawayan ng mga empleyado. Naka-side view si Chuck kaya hindi niya pansin na papalapit na ako.
"Ang ganda ng anak mo, p're," dinig kong saad ng isang empleyado. "Girl-version mo, o. 'Yong mata, sayong-sayo."
Tumawa si Chuck. "Sa mommy niya nagmana ang baby ko, di ba, Baby?"
Tumawa si baby na tila kinikiliti kaya nagtawanan na rin ang mga taong nakapalibot sa kanila.
"Teka, p're, bakit di namin nalaman na may asawa ka na pala? Kung nalaman 'to ni Sir Victor, tiyak matutuwa 'yon. Magkaanak ka ba naman ng ganito kaganda."
"Siyempre, pare. Maganda ang mommy niyan, kanino pa ba 'yan magmamana?"
"Yabang nito. Buti may nakapagpatino na sa 'yo."
"Nasaan nga pala ang asawa mo, Chuck?" tanong no'ng isang babaing nakaarko ang kilay. "Di ka na rin namin napagkikita sa bar. Bagong-buhay na ba?" Tumawa siya kaya nagsitawanan na rin ang ibang empleyado.
"Oo nga, girl. Nagtitino na siguro 'tong si Chuck."
"Matino naman talaga ako noon pa," pagmamalaki ni Chuck.
Nang mapansin ng mga empleyado na papalapit ako ay biglang tumigil ang ingay. Nagsikuhan sila na tila ba napahiya na nahuli ko silang nakikipag-usap kahit oras pa ng trabaho.
"Balik na tayo sa trabaho," bulong no'ng babaing kanina lang ay kumaway kay baby.
Napalingon si Chuck at ngumiti nang makitang papalapit ako. Nakatingin lang sa amin ang mga empleyado, tila gusto nilang malaman kung magkakilala kami ni Chuck.
"Magkakilala kayo ni Ma'am, p're?"
"Yup," sagot ni Chuck at nang makalapit na ako ay niyakap niya ako saka hinalikan sa pisngi. "Surprise."
"Why are you here? Sinama mo pa talaga si baby." Lumuhod ako at hinalikan si baby sa noo. Napangiti ako nang mapansin ang suot niya. Simula sa suot niyang dress hanggang sa headband ay kulay pink. "All pink talaga?" Kinarga ko siya at tumawa ako nang ayaw na namang tanggalin ang kamay sa pagkakasubo sa bibig niya.
"You don't like it?" tanong ni Chuck na hindi ko na nagawa pang sagutin dahil dumating si Paul.
"What brought you here, pare?" Nakipagkamay ito kay Chuck kaya napilitan na lang ang huli.
"Namamasyal," sarkastikong sagot ni Chuck na ikinatawa ng mga empleyado.
Nairita si Paul. "Why don't you go back to work? Office hours, nagtsi-tsismisan kayo!"
"It's almost twelve noon, Paul," sabat ko at tumingin sa mga empleyado. "Take your lunch."
"Thank you po, Ma'am," saad nila na ikinangiti na naman ni baby.
"Say bye to them, Baby," saad ko at ikinaway ang kamay ni baby kaya napangiti na rin sila.
"Oops!" dinig kong saad ni Chuck at inayos ang nakalugay kong buhok dahil hinawakan iyon ni baby. "It's mommy's hair, Baby. Come here. Ako na magkakarga sa kaniya, Sweetheart."
Tilian ang mga babaing naroon nang marinig ang tawag sa akin ni Chuck. Nahagip ko naman ang inis sa mukha ni Paul. Si Margie naman ay napangiti habang nakatingin sa huli pero bigla ring pumormal ang mukha nang mapansing tinitigan siya nito.
"Let's go, Chuck," yaya ko. Ako na ang nagtulak ng stroller.
"Bye, guys," nakangiting saad ni Chuck sa mga empleyado. "Sabi ni boss take your lunch. I'm gonna take my lunch too."
Nang makapasok na ako sa office ay umupo ako sa sopa para i-breastfeed si baby. Nilagay naman ni Chuck sa ibabaw ng mesa ang dala niyang paper bag. Napangiti ako nang makitang pagkain ang laman niyon.
"Ikaw ang nagluto?" tanong ko.
"Yup! Don't worry, Sweetheart, hindi ko 'to nilagyan ng gayuma," biro niya kaya tumawa ako.
"Ngayon ko lang naisip 'yan, Chuck. Baka nga ginayuma mo ako kaya hanggang ngayon mahal pa rin kita. Hindi kaya nilalagyan mo ng gayuma 'yong mga pinapakain mo sa akin noon?" ganting-biro ko.
"Sweetheart naman. Ang dami kayang nagkakandarapa sa akin. Hindi ko na kailangan pang gumamit ng gayuma."
Patuloy akong nagbiro. "Bakit? Sa akin ba walang nagkakandarapa?"
Bigla siyang sumimangot kaya napangiti ako. Yabang kasi porke may hitsura.
"Mas lamang pa rin ako sa mga nagkakandarapa sa 'yo." Patuloy lang siya sa pag-aayos ng pagkain sa mesa. "Mas guwapo ako sa kanila at mas mayaman. At ang pinaka sa pinaka, ay mahal na mahal kita, di ba, Baby?" Pinisil niya ang kabilang pisngi ni baby kaya tumigil ito sa pagdede saka ngumiti.
"Yabang mo rin, 'no?" Ngumiti na lang ako. Wala talagang tatalo sa kaniya pagdating sa payabangan.
Sinubuan ako ni Chuck ng pagkain habang bini-breastfeed ko si baby. Mabuti na lang at dumating sila. Nabawasan na ang sakit ng dibdib ko dahil nakalabas na ang naipong gatas.
"Next week, babalik na rin ako sa opisina, Sweetheart," saad niya habang sinusubuan ako.
"Why? Nagsasawa ka na sa bahay, Chuck?"
"Boring sa bahay dahil wala ka. Isa pa malapit lang dito ang toy company kaya pwede kitang puntahan kahit anong oras ko gustuhin. Ayokong nawawala ka sa paningin ko." Bumuntong-hininga siya.
"Sus. Ilang oras lang tayong di nagkita, na-miss mo na ako kaagad? Baka ngayon lang 'yan, Chuck. Baka after a month okay lang sa 'yo na hindi ako makita."
Napailing siya. "You don't know how much I miss you. Anyway, how's your job as a CEO? Hindi ka ba nahirapan?"
"Mahirap." Hinawakan ko ang braso niya at inilagay iyon sa balikat ko saka sumandal ako sa dibdib niya. "Hindi ko kabisado ang ganitong trabaho. Maigi pa 'yong trabaho ko dati sa boutique..."
Ngumiti siya matapos akong halikan sa sentido. "Sanayan lang 'yan, Sweetheart. Unang araw mo ngayon kaya nasasabi mo 'yan."
"I don't know. Pakiramdam ko mahihirapan talaga ako sa trabahong 'to."
Kinuha niya ang baso na may lamang tubig at inabot 'yon sa akin. "Well, I suggest na kumuha ka ng ilang units na related sa business."
Nagkaroon ako ng ideya sa sinabi niya. Tapos nga pala siya ng Business Ad. Bakit di na lang ako magpatulong sa kaniya?
"What if tulungan mo na lang kaya ako, Chuck? Tulungan mo ako sa pagpapatakbo ng kompanyang ito?"
"I can't," maikli niyang sagot at niyakap ako.
Nakatulog si baby kaya inilagay ko na siya sa stroller. Itinuloy ko na lang ang pagkain habang nakayakap pa rin si Chuck sa akin. Napailing na lang ako dahil para siyang batang ipinagsisiksikan ang sarili.
"You told me before na t-in-rain ka ni dad. I thought you could do the same for me." Uminom ako ng tubig matapos kumain.
"I could teach you everything I know, pero hindi kita matutulungan sa pagpapatakbo ng kompanyang ito. You should do it on your own."
"Why?"
"Basta, sweetheart." Hinalikan niya ako sa puno ng tainga ko saka bumulong, "pwede na ba?"
"Chuck, narito tayo sa opisina."
"Bakit? Hindi ba pwede rito? Sa opisina ko nga pwede, e."
"Six-month rule."
Napangisi siya. "D*mn! Akala ko lulusot na, e."
Siniko ko siya pero nailagan niya. Mayamaya ay kumatok si Margie. Napangiti ito nang makitang tulog na si baby sa stroller.
"Ma'am, tumawag po ang Faulker Industries, kung pwede raw po makapag-set ng appointment sa inyo."
"Why?" sabat ni Chuck pero hindi sumagot si Margie. "Faulker Industries has nothing to do with the Magtibay Group of Companies."
"Are you related to the Faulker Industries, Sir?" tanong ni Margie. "Mismong si Mr. Fernando Segovia ang tumawag para-"
"May I know the agenda of that meeting?"
"Sir, it's confidential—"
"Confidential my a*s! Ako ang may-ari ng Faulker Industries at wala akong kaalam-alam na may meeting na mangyayari?"
"Did my dad had an appointment before with that company, Margie?"
"No, Ma'am. Sir Victor never had an appointment with them."
Inuga ko ang stroller para muling makatulog si baby. "Then tell them I'm busy."
Pansin ko ang pagluwang ng ngiti ni Chuck nang marinig ang sinabi ko. Kinuha niya sa bulsa ang cellphone at nagtipa roon. Si Margie naman ay lumabas na dahil kanina pa nagri-ring ang telepono sa labas.
Mag-a-ala una na ng hapon nang magpaalam si Chuck na uuwi na. Nagsimula na naman kasing mag-tantrums si baby. Panay na naman ang pagsabunot niya sa sariling buhok. Inayos ko muna ang headband niya saka sinamahan ko sila palabas.
"Susunduin kita mamaya, Sweetheart," saad ni Chuck habang patungo kami sa elevator. "Let's have dinner together."
"Late na akong makakauwi, Chuck. It's my first day here kaya marami akong kailangan gawin." Napa-aray ako nang hilahin ni baby ang buhok ko. Pinanggigilan niya iyon at hindi ko matanggal ang kamay niya dahil napakahigpit ng pagkakahawak niya sa aking buhok.
"No, Baby," saway ni Chuck. "It's mommy's hair." Tinanggal niya ang buhok ko mula sa pagkakahawak ni baby kaya nagtagal kami sa hallway. Umiyak nang napakalakas si baby kaya natawag ang atensiyon ng mga empleyado roon. Pinagtitinginan na kami pero si Chuck ay nakangiti pa rin. Kinuha niya si baby mula sa pagkakakarga ko.
"May dala kang pacifier?"
"Yeah. Pakikuha sa bag, Sweetheart."
"There you are, Baby." Ngumiti ako nang ibigay ko kay baby ang pacifier. Mabilis niya iyong isinubo kaya tumigil na sa pag-iyak.
"Kawawa naman si mommy, Baby. Sinabunutan mo." Tumawa si Chuck saka inayos ang buhok ko. "Don't do it again next time, Baby."
"Hindi ko na kayo ihahatid sa lobby, ha. Ingatan mo si baby." Hinalikan ko si baby sa pisngi pero ang hindi ko inaasahan ay nang yakapin ako ni Chuck at halikan sa noo. Kitang-kita kong nakatuon sa gawi namin ang mga empleyado. Naroon din si Paul na sa tingin ko ay kanina pa nakamasid sa amin.
"Dinner later, Sweetheart," bulong ni Chuck at pumasok na sa elevator. Kumaway na lang ako sa kanila hanggang sa magsara na ang elevator.
Pabalik na ako sa aking opisina nang madaanan ko si Paul na pinapagalitan ang isang empleyado. Nakatungo lang ang lalaki na tila napahiya dahil sa kaniya nakatuon ang paningin ng lahat. Nagsibalikan naman ang mga iyon sa kaniya-kanilang trabaho nang mapansin ang paglapit ko.
"What's this all about?" tanong ko kay Paul at doon sa lalaki.
"This is Mr. Mallari," sagot ni Paul. "Siya ang head ng finance. I already told him to submit the monthly report yesterday, but until now wala pa rin." Tiningnan niyang muli ang lalaki. "I need it now!"
"Pasensiya na po talaga, Sir."
Tumalikod na ang lalaki matapos magpaalam sa akin. Si Paul naman ay umalis na rin at tinungo ang sariling opisina. Pansin ko na kanina pa mainit ang ulo ng lalaking iyon. Napailing na lang ako.
"Margie, pakisabi kay Mr. Mallari na gusto ko siyang makausap."
"Yes, Ma'am."
Pumasok na ako at hinayaang nakabukas ang pinto. Hindi mawala sa utak ko ang reaksiyon ng mukha ni Paul kanina. Bakit parang big deal sa kaniya ang monthly report na iyon at dapat kahapon pa nai-submit?
"Ma'am? Pinapatawag n'yo raw po ako?"
Napaangat ang paningin ko nang sumungaw ang ulo ni Mr. Mallari sa pintuan ng aking opisina. Napangiti ako. Siya nga 'yong kausap ni Chuck kanina. Palagay ko magkasing edad lang kami pero nagtataka ako dahil parang malapit sila ni Chuck.
"Have a seat, Mr. Mallari." Nang makaupo siya ay hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. "How many years have you been working here?"
"Ten years, Ma'am," nauutal niyang sagot.
Pinanatili kong pormal ang tono ng boses ko. "So how is it like working here? Aren't you bored? For ten years, araw-araw kang nagtatrabaho sa kompanyang ito."
"I love my job, Ma'am-"
Kaagad akong nagsalita nang nakataas ang kilay dahilan para mabanaag ko ang takot sa mukha niya. "You love your job? Then why didn't you submit that monthly report on time? Kahapon pa pala dapat nai-submit iyon."
Nauutal siya nang muling magsalita. "A, e, ano po kasi, Ma'am."
"Ano?"
"Si Sir Paul po kasi..."