Chapter 16

1765 Words
Chapter 16 Halos mapugto ang hininga ko nang biglang sakupin ni Chuck ang aking labi nang makaupo na siya sa driver's seat. Pilit kong inilalayo ang aking mukha subalit naroon sa likod ng aking ulo ang kanang kamay niya. Laking pagkadismaya ko nang matapos ang halik na iyon ay nahagip ng aking paningin ang hindi maipintang mukha ni Paul na nakatingin din sa amin ni Chuck. Ngumisi lang ang huli at inayos ang seatbelt ko saka isinara ang bintana. "Why did you do that?" inis kong saad. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay 'yong basta-basta na lang ako hahalikan lalo na at maraming tao ang nakakita. Mabuti sana kung sa pisngi lang, e, halos lamunin na niya nang buong-buo ang mukha ko. Mabilis na pinasibad ni Chuck ang kotse palayo sa kompanya ni dad. Wala siyang imik at nakatutok sa daan ang paningin. Tila napakalalim ng kaniyang iniisip at hindi man lang nag-abalang sagutin ang tanong ko. "Never do that again next time. Nakakahiya sa mga empleyado ng kompanya," muli kong saad at tiningnan ang bulaklak na ibinigay niya sa akin kanina. Hindi ko na nakuha pang magpasalamat dahil naunahan na ako ng inis. "Bakit?" dinig ko ang pait sa boses niya. "Ikinahihiya mo ako?" "No, Chuck. It's just that-" Bigla niyang itinigil ang kotse at hinampas ang manibela. "Dahil sa kaniya? Dahil sa Paul na 'yon? Bakit? Ayaw mo ba na makita niya na hinahalikan kita? Pwes, gusto kong malaman niya na pag-aari na kita kaya kahit anong gawin niya ay hindi ka mapapasakanya. Akin ka, Ligaya. Akin lang." Napansin ko sa mga mata niya ang takot at galit matapos sabihin iyon . "Hayan ka na naman sa kaseselos mo, Chuck. Noon ko pa sinabi sa 'yo na walang namamagitan sa amin ni Paul. Bakit ba ang hirap mong umintindi?" Tumaas na ang boses ko dahil sa inis. "Kailan mo sisipain ang Saavedra na iyon palabas ng kompanya? Ayokong naroon siya at aali-aligid sa 'yo." "I can't do that. Mahalaga siya sa kompanya, Chuck. Si Irma ang naglagay sa kaniya sa posisyong iyon at-" "D*mn! Isa pa ang abogadang 'yan!" "Bakit ba kasi ang init-init ng dugo mo kay Irma? Bakit ang init ng dugo ninyo sa isa't isa? Sa tuwing magkikita kayo tila parating may nakaambang digmaan. Ako ang naiipit sa gulo ninyong dalawa, e. Parang may nakaraan kayo na hindi ko maintindihan." "Why don't you ask her? D*mn that pathetic lawyer! Parehas lang sila ng Saavedra na 'yon." Napabuntong-hininga na lang ako. Heto na naman siya sa sagot na patanong. Leche! Hindi ba pwedeng sabihin niya na lang ang nalalaman niya. "Umuwi na tayo. Walang mangyayari sa pag-uusap nating ito. Pagod ako." Isinandal ko ang aking ulo at ipinikit ang aking mga mata habang yakap ko ang bigay niyang bulaklak. Ayokong makipagtalo pa sa kaniya. Wala akong makukuhang matinong sagot sa kaniya dahil umandar na naman ang pagiging seloso niya. Leche! Ngayon lang ako nakakita ng playboy na natatakot mawalan ng babae. "Sa restaurant tayo gaya ng naunang plano." "Sa bahay tayo," maagap kong saad nang hindi idinidilat ang mga mata. Iniisip ko kung anong putahe ang madaling iluto dahil malapit na gumabi. "You're mad at me," dinig kong wika niya matapos ang ilang minutong katahimikan. "I'm sorry." Nanatiling nakapikit ang mga mata ko at wala akong plano idilat iyon hangga't hindi umaandar ang kotse. Naiirita ako, hindi ako makapag-isip nang maayos. Isa pa pagod ako sa maghapong trabaho at ito pa ang isasalubong sa akin ng lalaking ito. Naramdaman ko ang pagpisil niya sa kaliwang palad ko. "Sweetheart." "I'm not mad at you," tanggi ko kahit punding-pundi na ako. Humikab ako sa sobrang kapaguran. "Umuwi na tayo." "Pero..." Sa sobrang inis ay iminulat ko ang aking mga mata. "Chuck, umuwi na tayo, please? Maaga pa ako papasok bukas sa opisina." Huminga siya nang malalim saka kinuha ang cellphone sa bulsa. "Okay. Ipapa-cancel ko lang ang reservation ko sa restaurant." Bigla ang pagsundot ng aking konsensiya. Sh*t! Nagpareserve pa talaga siya. Hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya sa pagtawag. "No. Sa restaurant tayo. Nakakahiya kung ipapa-cancel mo." Umaliwalas ang mukha niya at lumuwang ang pagkakangiti. "Really, Sweetheart?" "Uhmm," tanging sagot ko at muling ipinikit ang aking mga mata subalit nagulat na lang ako nang maramdaman ko ang halik niya. Sh*t! Ang hilig-hilig niya manghalik. "Stop it, Chuck. Pagod ako." "Don't worry, tatanggalin ko ang pagod mo, Sweetheart," bulong niya sa punong tainga ko. Nakikiliti ako at napansin iyon ni Chuck dahilan para simulan na naman niyang halikan ang leeg ko saka muling bumulong, "Hotel or condo?" "Six month rule," saad ko at kinurot siya sa tagiliran. "Pervert!" Narinig ko na naman ang malulutong niyang halakhak nang mahuli niya ang mga kamay ko at dinala iyon sa labi niya saka hinalikan. Matapos iyon ay tinitigan niya ako sa mga mata nang buong pagmamahal. "I love you, Ligs. I can't afford to lose you." "I love you too, Chuck." Hinaplos ko ang kaliwang pisngi niya. "Sa restaurant na tayo, please? Kanina pa ako nagugutom sa kadadrama mo." Kusa akong napangiti dahil bumalik na naman si Chuck sa dati. Parang ang dali lang sa kaniya na pangitiin ako. Kung si Fern ito, malamang kung hindi suntok ay sampal ang aabutin ko. "Am I forgiven?" Nilingon niya ako nang nakangiti at muling itinuon ang mga mata sa daan. "Sorry if I'm being jealous again." "You did nothing. Just don't be jealous again, okay?" "I can't promise that, Sweetheart. Ang dami kong karibal sa 'yo." "But I chose you." Itinuon ko na rin ang atensiyon ko sa daan. "Minsan iniisip ko, kung hindi siguro dumating si baby hindi ka magtitiyagang pakisamahan ko. But then again, Sweetheart, thank you," tumigil siya sa pagsasalita at tumingin saglit sa gawi ko. Ngumiti siya at ibinaling muli ang paningin sa daan. "I promise, I'll be a good husband to you and good father to our children." "Child. Isa lang ang anak natin, Chuck." Nahagip ng paningin ko ang pagngiti niya. "You always say that. Mind you, hindi pa kita nakikilala, itinuring ko na si Clint bilang anak ko. I felt that I am responsible for that boy the moment he told me he grew up without a father on his side. The same situation I had before." Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil narating na namin ang restaurant kung saan siya nagpareserve. Naiilang ako nang makapasok na kami sa restaurant dahil kaliwa't kanan ang bumabati kay Chuck. Tingin ko ay mga kasing edad niya ang mga iyon. May mga bababe na nakangiti kay Chuck pero matalim naman ang mga mata kung makatingin sa akin lalo na't hawak ni Chuck ang kamay ko at binitiwan lang iyon nang makaupo na kami. Naroon sa pagkain ang buong atensiyon ko dahil kanina pa ako nagugutom. Panay naman ang kwento ni Chuck at tila aliw na aliw sa hitsura ko habang kumakain. "Hoy," wika ko nang mapansin kong nakatingin lang siya sa akin. "Kumain ka na. Hindi ka mabubusog sa katitingin mo sa akin." Ngumisi lang siya at nagsimula ng kumain. Nagpatuloy naman ako sa pagsubo at hindi ko alintana ang tila mga matang nakatingin sa bawat galaw ko. Kanina ko pa nararamdaman iyon. "Palagi kaming pumupunta rito ni Clint noon kasama si yaya," saad ni Chuck mayamaya. "On the way lang kasi ang restaurant na ito sa bahay n'yo." "Palagi? As in palagi talaga?" "Kapag hinahatid ko sila, matik dadaan muna kami rito." "Ngayon ko lang na-realize na malaki pala ang pagkukulang ko kay Clint." Sumandal ako sa upuan at uminom ng tubig. "Abala ako sa boutique at hindi ko man lang nagawang suportahan ang pagbabasketball niya. Ni minsan hindi ko napanood maglaro ang anak ko." Pinunasan ko ang labi ko at di sinasadyang mapagawi ang paningin ko sa likurang bahagi ni Chuck. Tatlong mesa mula sa amin nakita ko ang taong kinaiinisan ko. Hindi ko ipinahalata kay Chuck ang galit ko sa taong iyon. Panay lang ang tango ko sa bawat sabihin niya pero sa utak ko ay nag-iisip na ako ng paraan para makaalis na ng restaurant na ito nang hindi napapansin ng taong iyon. "May laro si Clint next week, Sweetheart. Baka gusto mong..." Hindi ko na narinig pa ang iba pa niyang sinasabi dahil nagulat ako nang mapatingin sa gawi namin ang taong iyon. "Sweetheart?" "Yeah. Pwede. Anong oras?" "Sa hapon. Around five. I'm sure matutuwa si Clint kapag nalaman niyang manonood ka." Panay na lang ang inom ko ng tubig dahil sa tensiyong nararamdaman. Huwag lang magkakamali ang taong iyon na lapitan kami dahil hindi ko maipapangako na magiging mahinahon. Ang laki ng kasalanan nila sa akin. "You wanna go home, Sweetheart?" Pinilit kong humikab. "Yeah. Inaantok na ako." Pinunasan niya ang sariling labi saka naglagay ng pera sa mesa. "Okay. Let's go." Tumayo siya at inalalayan ako sa pagtayo. "Wait, Chuck. I need to go to the ladies room." Sh*t talaga! Ngayon pa ako naiihi kung kailan nagmamadali na akong makaalis ng restaurant na ito. "Relax, Sweetheart." Hinawakan niya ang magkabila kong braso. "Nanginginig ka. May problema ba?" "Nothing," kaagad kong sagot. Ayokong malaman niya na nanginginig ako dahil sa galit na kanina ko pa nararamdaman. "Punta lang ako sa banyo." Tumalikod na ako at iniwan siya. Subukan niya lang na kausapin ang taong iyon, makakatikim siya sa akin. Humupa ang galit na nararamdaman ko nang magpumilit siyang samahan ako. Iniwan ko siya sa labas ng ladies room at swerte namang kakaunti lang ang gumagamit kaya saglit lang ako roon sa loob. Kaagad akong lumabas ngunit biglang sumulak ang dugo ko nang makitang nag-uusap sila sa hallway. Biglang tinabig ni Chuck ang kamay ng babaing iyon na nakahawak sa braso niya. Tila nagulat sila sa bigla kong paglabas. Kitang-kita ko ang paglaki ng mga mata ni Chuck habang papalapit ako sa kanila. "So," taas-noong saad no'ng babaing kausap niya na walang iba kundi si Lana. "The mother of your child is here." Waring nang-iinsulto itong tumingin sa gawi ko. "She's not just the mother of my child. She's my wife," nauutal na sagot ni Chuck at ipinulupot ang kanang kamay sa baywang ko. "Sweetheart, she's Lana, the daughter of-" "I know," mabilis kong tugon at ngumiti ako nang peke para itago ang galit sa kaharap. "I bet we're not formally introduced. I'm Lana McBride." Bumeso ito sa akin at hindi ako nakaiwas dahil nakapulupot ang kamay ni Chuck sa baywang ko. "I like your boytoy. Very much. So spare him," bulong ni Lana at ngumiti matapos bumeso. "I have to go. Nice meeting you." Nilingon nito si Chuck. "See you when I see you, Chuckie boy."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD