CHAPTER 1

1909 Words
"Stop following me, please?" Ani ng dalaga. Sya si Brina Ziegler o mas kilala sa tawag na... "Lady Brina, patawad pero nais kayong kausapin ni Master Aldred." Napailing na lamang ang dalaga sa sinabi ng kanyang Yaya. "Sige na, you may go. Just stop following me." Umalis na ang Yaya nito at agad syang nagtungo kung na saan si Aldred. Nang makarating ito'y niyakap sya ng mahigpit ng binata. "What do you want Aldred?" Tanong nito. "Wanna join us here, Brina?" Tanong din ng binata. "You know what Aldred, I'm not drinking any alcoholic beverages. May I go now?" Mataray na ani ng dalaga at sabay irap sa lalaking kausap nito. "Ok fine, do you want something?" Tumayo naman ang binata at naglakad papunta sa dalaga. Hinawakan ang kamay nito at nagsalita. "Did you miss them?" Hinila ng dalaga ang kamay nito at tumalikod. Tinitigan ang labas ng kanilang mansyon at sinabi. "For what? For abandoning me? For leaving me? Tsk, no and never." Niyakap sya ng lalaki mula sa likod nito at pinatong ang kanyang ulo sa balikat ng dalaga. "Good to know my Lady. Let's go." Tila nawala sa puso ng dalaga ang dalawang kaibigan nito. Iniisip na lamang ng dalaga na hindi na sya hinanap ng iba pa nyang kaibigan noon. Ok lang naman sa kanya dahil na rin sa alam nyang ok na sya sa piling ni Aldred Glazon. Si Aldred Glazon ay ang kumuha sa Prinsesa. Ang paliwanag nito sa dalaga ay simula ng nagkahiwalay silang tatlo. Hindi sila umalis na kinaroroonan nila. Nang makuha si Brina ay hindi na sya hinanap ng dalawang Prinsesa. Marahil ay akala ni Brina ligtas ang dalawang Prinsesa dahil ang alam nila kahit isa lang sa kanilang tatlo ay ok na sa kalaban nila. "Hey Brina, I said let's go. Something bothering you?" "Nevermind Aldred." "Here, kailangan mong suotin yan. Don't worry, I'll wait you here." "Hmm ok wait for a minute" Umalis na ang dalaga upang magbihis. --- Samantala naman, sa lugar kung na saan ang isa pang Prinsesa. "Dharaaaaa! Na saan ka na naman ba, nako ikaw bata ka talaga!" Sigaw ng isang matandang babae. "Sorry na po Ina. Lilinisin ko na po hehe patawad po." Napahawak na lamang sa ulo si Dhara. Nagkalat na lang ulit ang kanyang nilinis. "Nako talaga, ikaw Dhara ha lagot ka kay Ginoong Ken kung makita nya iyan. Pagkatapos mong linisin yan kumain kana ha? Pupunta lang ako kay Ginoong Ken para sa mga aanihin." Tumango na lamang ang dalaga sa sinabi ng kanyang Ina. Sya si Dhara Nevarez ang isa sa tatlong Prinsesa. Si Kendie Riveos naman o mas kilala sa Ken ay ang kumuha sa Prinsesa. Nais hanapin ng dalaga ang dalawang kaibigan nito pero sa papaanong paraan? Mahirap lamang ang buhay niya dito sa Probinsya. Wala syang magagawa kundi buhayin ang sarili nya sa pagtulong dito. "Na saan na kaya sina Brina at Seraphina. Miss ko na kayo. Sana'y magkita tayong muli." Yumuko ito at pumikit. "Sila parin ba ang inaalala mo?" Napatayo ng tuwid ang dalaga. "Sorry po Ginoo kung wala akong ginagawa. Teka lang at aayusin ko pa ang iba..." "Kilala kita Dhara, silang mga kaibigan mo ba ang inaalala mo?" Hindi na nagsalita pa ang dalaga. "Hayaan mo kapag nakaraos tayo dito at makausap ko ang kapatid ko magkikita kayong tatlong muli. Huwag ka ng malungkot pa." "Masusunod po Ginoo, maraming salamat." "Nais mo bang sumama sakin? May pupuntahan ako at kailangan ko ng kasama. Maaari ba?" "Uhm marami pa po akong aayusin dito. Pasensya na po..." "Hindi ako papayag, ok lang na ang iyong Ina muna ang bahala dito. Nandito naman si Manong kasama nya ang iyong Ina." "Pero matanda na si Ina kaya hindi pwede." "Akong bahala Dhara, pagbigyan mo lamang ako ngayon." Wala ng nagawa pa si Dhara kundi pumayag sa sinabi nito. "Sige pumapayag ako." Masayang masaya ang binata. "Mamaya ay pupunta ako, sa ngayon ay magpalit ka muna ng maisusuot mo. Ito oh, sana magustuhan mo." Ibinigay ng dalaga ang isang dress na susuotin nito para sa pupuntahan nila. "Intayin kita dito, sige na at magbihis kana." Masayang ani ng binata. Tumango naman ang dalaga at nagtungo na sa kwarto nito para magbihis. --- "Sakit sa ulooooo, ahhhhh!" Agad na nagsipag-takbuhan ang lahat ng babae dahil sa sigaw ng dalaga. "Miss Sera, anong sinisigaw ninyo?" Tanong ng isang katulong "Ay sorry po, kasi ang daming damit dito hindi ko alam kung anong susuotin ko." Biglang natawa ang mga katulong dahil sa sinabi ng dalaga. Sya nga pala si Seraphina Chavez ang isa sa tatlong Prinsesa. "Huwag po kayong mataranda Miss Sera. Si Mr. Creed na po ang bahala sa susuotin nyo." Masayang ani nito. "Ay ganun ba, sige pero na saan na nga ba sya?" *Errrrr* Biglang nagbukad ang pintuan at iniluwa nito ang napaka-gwapong lalaki. "Did you miss me?" Bigla namang namula ang pisnge ng dalaga. "Haha blushing huh? Joke lang yun. Here oh ito ang susuotin mo para mamaya." "Wohhh buti naman, magpapalit na ba ako?" "Yes please. Gusto kong makita kung gaano ka kaganda sa susuotin mo." "Bulerong Creed nako." Si Creed Riveos ay ang kumuha rin sa Prinsesa at ngayon ay kasama nito sa mansyon. --- Nagbihis na silang lahat...si Brina, si Dhara at si Seraphina. Ang tatlong Prinsesa mula sa tatlong kaharian na magkaiba ang pamumuhay. Maaari kayang magkita ulit ang tatlong Prinsesa? Sino ang tatlong lalaki sa buhay nila? NAGLALAKAD na sila Brina at Aldred patungo sa kanilang pwesto. "Dito na muna tayo." Nanatili sila sa isang lamesa at hinawakan ang kamay ng dalaga. "Why do we need to go here in the Philippines?" Takang tanong nito. "For the event." Hinalikan ng binata ang likod ng kamay nito. "Don't worry, I'm here. No one can harm you." "Ok, I will stay here for you." Nanatili silang dalawa sa pagtayo, gayun din ang ibang imbitado. NAMANGHA si Dhara sa lugar na kanilang pinuntahan. "Dito talaga tayo? Mga mayayaman lang ata dito." Ani ng dalaga habang nililibot ang lugar gamit ang kanyang mata. "Ang imbitasyon ay mula talaga dito. Ang may-ari nito ay kakilala ko." "Ang yaman naman ng kakilala mo." "Nais nyang pumunta ako kasama ang taong mahalaga sakin." Naputol ang pagpantasya ni Dhara sa lugar na ito ng madinig nya ang sinabi ng Ginoo. 'Ayokong mag-isip at umasa, masakit pero ako ba iyon?' Ani ng dalaga sa kanyang isipan. ANG saya-saya ni Seraphina dahil sinama sya ng binata. Hindi nito alam na makikita nya ang dalawang matalik nyang kaibigan. "Are you ready?" Nagtaka ang dalaga. "Ready saan?" Natawa ang binata sa reaksyon nito. "Ipapakilala kita sa mga kakilala ko at mga kaibigan ko." Nanlaki ang mata ni Seraphina. 0.0 "Bakit naman ako ipapakilala?" Nilapitan ng binata ang dalaga at hinalikan sa noo. "Bilang Girlfriend ko dapat ka nilang makilala." Mas nanlaki ang mata nito. O.O "Girlfriend agad? Hindi mo nga ako niligawan o maski tinanong kung gusto kita?" Napangisi ang binata. Mas lumapit pa ang binata kay Seraphina. "Kailangan pa ba yun? Sapat na saking nakikita kang kinikilig tuwing lumalapit ako. *smirk*" Lumalayo naman si Seraphina hanggang sa pader na ang nasa likod nito. "Hi-hindi ako kinikilig sayo!" "Hinahamon mo ba ako? Tatanggapin ko naman." "Ahhh Creed, lumayo ka o gusto mong tamaan ko p*********i mo?!" "Sinong tinakot mo Sera?" "Ahhhhh" Hinila ni Creed ang bewang ni Seraphina kaya napalapit ng husto si Sera kay Creed. Ramdam ng dalaga ang pagbilis ng t***k ng puso nito. "Uhm nais po kayong makausap ni Master Aldred at Ginoong Ken, Sir." Nag-ayos agad ng tayo si Seraphina at natawa na lamang si Creed. "Sige papunta nako. Dito ka lang Seraphina, 'wag kang aalis." Tumango na lamang ang dalaga dahil sa gulat pa ito. NAKARATING na ang binata at kaharap nito ang dalawang kaibigan nito. "Musta ang mga Prinsesa?" -Ken "Brina was fine, how 'bout you Creed?" -Aldred "Same, still the same." -Creed "Si Dhara naalala nya ang dalawang Prinsesa." -Ken "Hindi pa nila pwedeng malaman. Hanggat nandyan sya masasaktan lang sila." Creed "Yeah, what do you think dude?" -Aldred "Hindi na muna sila magkikitang muli. Maging tayo. Baka mahanap nila tayo." -Ken "Paano kung...isa-isa tayong puntahan?" -Creed Napaisip din ang dalawang binata sa tanong ni Creed. "Tinatawag na po si Mr. Creed Riveos para sa panimula." Dinig na sabi ng MC. "Hindi ko alam, bahala na." -Ken "Punta na tayo." -Creed "Let's go..." -Aldred NAGSUOT na sila ng kanilang mask. Pumunta na sina Brina, Seraphina, at Dhara sa harapan ng nagsasalitang MC. "Mr. Creed? Akyat na po kayo dito sa stage." Hindi alam ng tatlong dalaga na magkakatabi lang sila. Agad na nagsigawan ang mga kababaihan ng makita nila ang tatlong lalaki na naglalakad. Napatingin din ang tatlong dalaga. Hanggang sa huminto ang tatlong lalaki sa tatlong prinsesa. Nagulat ang lahat at doon ay hindi alam ng tatlong dalaga na magkakakilala sila. "Where have you been?" -Brina "Comfort room" -Aldred "Kanina pa ako nag-iintay sayo Ginoo." -Dhara "Patawad mahal ko este Dhara. May pinuntahan lang." -Ken Kinilig naman si Dhara sa sinabi ng binata. "Tawag kana doon, puro kasi girls inaatupag." -Seraphina "Pft, selos ka?" -Creed "Ako selos? No way, wala naman akong binatbat sa mga yan." -Seraphina "Meron ka. Maganda ka, mabait, at higit sa lahat mahal kita kung ano ka pa." -Creed "Wag mokong mabola-bola, umakyat kana!" Sigaw na nito. Napalingon naman ang dalawang prinsesa. Narinig nila ang boses ng kaibigan nila. Naririnig nila ang boses pero ang mukha nila hindi nila makikita dahil naka maskara sila. Hinayaan na lamang nila at umakyat na si Creed upang magbigay ng panimula. "Magandang araw sa inyong lahat. Nais ko lang magpasalamat sa pagpunta nyo dito. Kung may nais kayong itanong ay nandito lang kami. Kung nais mokong kausapin...wag na lang may magagalit haha." Namula naman ang mukha ni Seraphina. "Muli maraming salamat sa pagdalo at enjoy lang kayo dito. Mamaya nako mag sasabi ng kung anong meron sa event na ito." Pagtatapos ng binata at ibinigay na sa MC. "Ngayon ay maari na kayong mag-saya. Maraming salamat sa pagdalo dito sa Royal Masquerade Ball! Enjoy and welcome!" Naghiyawan na ang ibang kasali dito sa event at nagsimula ng magpatugtog kaya naman inaya ng tatlong binata ang tatlong Prinsesa na sumayaw. Kapwa masaya ang bawat isa sa pagsayaw nila. Maging sina Brina, Dhara, at Seraphina ay hindi maipinta sa kanila ang ngiting namumutawi sa kanila. Parang ito na ang araw na masaya silang kapiling nila ang mga binata na kanilang minamahal. SAMANTALA sa ibang dakong lugar ay may nag-uusap. "Kamusta na ang pinapagawa ko sayo?" "Boss, wala pa kaming lead kung na saan ang tatlong prinsesa." "Mga gunggong talaga kayo! Napakatagal na nyan simula ng mawala sila sa palasyon hanggang ngayon wala parin kayong makita!" "Sorry po---" "Wag kayong babalik hanggat wala kayong nalalaman sa tatlong prinsesa! Mag inutil!" "Masusunod po Boss." "Lumayas na kayo! Mga walang silbe!" *Errrrr* Nagbukas ang pintuan ang nakita nito ang isang dalaga. "Ama, wag kang ganyan. Makikita at makikita din natin sila. Akong hahanap sa tatlong hampas lupang mga prinsesa na iyon!" "Mas mabuti pa nga Iha. Kung malaman mo kung sino ang tumulong sa kanila at kung na saan sila ay sabihin mo lang sakin." "Huwag kang mag-alala aking Ama. Makukuha din natin ang kaharian kapag nawala na ang Tatlong Prinsesa nila." "Bwahahaha! Tama yan anak at kapag nangyare yon. Sa atin na ang tagumpay! Sa atin na ang kaharian! At sa mawawala pa ang kanilang mga mahal na magulang."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD