PROLOGUE
"Brina! Dhara!" Sigaw ng isang babaeng nagngangalang Seraphina.
"Seraphina hayaan mo na kami, intindihin mo na lamang ang iyong sarili." Pagmamakaawa ng dalaga na si Brina.
"Hindi maaari! Ayokong mawalay sa inyo. Mga kaibigan ko kayo!" Malapit ng lumabas ang luha ng mahal na Prinsesa.
"Balang araw ay magkikita din tayo Seraphina kaya 'wag ka ng mangamba pa." Ang sabi ng dalaga na si Dhara.
"Basta't naaalala nyo ako ay maaalala ko rin kayo sa susunod na pagkikita natin. Huwag kayong iiyak. Sapagkat tayong tatlo na lamang ang nabubuhay sa palasyong ito. Kung mawawala tayo. Wala ng pag-asa ang tatlong kaharian."
Napatango na lamang si Prinsesa Seraphina sa sinabi ng kaibigan nitong si Brina.
"Magtago na kayo, dali!" Ani ni Brina at agad namang nagsitago ang dalawang prinsesa.
May mga kawal naman na naghahanap sa tatlong prinsesa.
Ang tatlong kaharian ay sinalakay ng kanilang kalaban at nais nilang sakupin ang tatlong kaharian sa gayon ay magiging mataas, malakas at katatakutan sila.
Samantala, may tatlong hindi kilalang lalaki ang gustong kumuha sa tatlong prinsesa. Hinahanap nila ito kung saan-saan hanggang sa napag-isipan nilang maghiwalay para mapabilis ang paghahanap nila.
Habang ang tatlong prinsesa ay nasa kani-kanilang pinagtataguan. May napansin ang isang lalaki sa isa sa mga prinsesa at gayun din ang dalawang lalaki at kinuha ang tatlong prinsesa.
Kapwa hindi alam ng tatlong prinsesa na parehas silang nakuha ng tatlong lalaki. Dahil dito'y pumunta na ang tatlong lalaki sa kani-kanilang pwesto at itinago ang tatlong prinsesa.
"Ganito ang gagawin natin. Falcon, ikaw ang bahala sa unang prinsesa. Habang ikaw naman Dragon ang bahala sa ikalawang prinsesa at ako na si Phoenix ang bahala sa natitirang prinsesa."
Utos ng leader nila.
"Masusunod..."
Agad na umalis sa iba't ibang dereksyon ang tatlong nasabing lalaki at dinala nila ang tatlong babae sa tatlong lugar. Sa probinsya, sa ibang bansa at ang isa naman ay nasa lungsod.