NANG MABALITAAN iyon ni Caleb ay galit ang labis niyang naramdaman. Hindi gãlit sa batas, kundi gãlit sa magkasintahan. Nakausap niya na rin si Dave at malugod niyang tinanggap ang desisyon nito, lalo na ang planong paghahanap ng aampon sa magiging pamangkin niya. Dala ang Toyota vios ay sinuyod niya ang daan patungo sa Makati City Jail para harapin at dalawin sina Nico at Camille. And for some reason, he was like a three year old version of himself, a little bit crying but being disappointed and angry. While taking a step toward the entrance, ay buo na ang kaniyang loob upang sermunan ang dalawa. Alam niya na darating ang araw at malalaman ng publiko ang kalokohang ginawa ng dalawa, na simula't sapul ay mali naman na talaga. "Sinasabi ko na nga ba at hindi malabong mangyari 'to! And now

