"WELCOME back again, Ma'am Laarni!" masayang pagbati ni Mika. Gayundin ang magalang na pagbati sa kaniya ni Jiro. Isang taon na rin ang Toffy's cafe kung kaya't mayroon silang mga selective promo's para makapag-attract ng mga customers. At siyempre, hindi sila pipilahan kung hindi masarap at dekalidad ang kanilang produkto nang dahil sa kanilang mga pastry chef na sina Dave at Jonas. "Thank you, Mika, I'm glad to see you again as well as the coffee shop. Nakakapanibago pero masasanay ulit ako nito." "Tama ka po, ma'am, saka ang tapang mo po talaga. Madalas ka pong ma-i-k'wento sa amin ni Sir Dave at kinaya mo lahat.. nakakabilib!" masiglang k'wento ni Jiro. "Naku, hindi rin naman ako magiging matapang kung wala ang mga taong nasa paligid ko," nakangiting aniya. Pagkatapos ng pag-uusa

