Soraya
Bigla nalang kumabog ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Umayos ako ng pagkakaupo at sinikop ang kalaparan ng suot na puting gown at bumuga ng hangin.
Bakit ako kinakabahan?
Hindi dapat ako kabahan. Hindi maari sa araw na 'to.
Sinilip ko ang repleksyon sa rearview mirror at napanatag nang makitang maayos pa rin ang make up ko. Simple lang ngunit nahi-highlight nu'n ang magagandang features ng mukha ko tulad lang ng maliit kong mukha at bow-shape na mga labi. Parang puso iyon kapag nakatikom. Iyon ang paboritong parte sa akin ni Hendry. Palagi niyang hinahalikan.
Sinulyapan ko si Manong. Tahimik na siya at focus sa pagmamaneho ng puting taxi. May kalayuan kase ang venue ng simbahan kaya halos apa't-napung minuto ang travel. Nauna na roon ang mga bisita at pamilya ko pati ni Hendry at pamilya niya.
Ang dapat ko sanang maid of honor ay hindi nakarating dahil nagkaroon ng isyu ang passport niya. Kaya naman medyo malungkot akong hindi makakarating si Mehran sa kasal ko. She's my only friend and my supposed to be maid of honor kaya no choice ako kun'di ipalit si Cecilia— my half sister in my mother's side dahil pinipilit ni Mama.
I grow up in a broken family. My father has his own family now so as my mother. Isang taon lang ako nang maghiwalay sila at nagkaroon agad ng anak si Mama sa nobyo noon. Iyon ay si Cecilia. Dalawang taon lang ang tanda ko sa kanya. Wala na siyang kapatid. Habang kay Papa naman ay may tatlo akong kapatid. Puro mga lalake at ilang taon ang tanda ko sa kanila.
Hindi sila magkasundo. Iyon ang rason ng paghihiwalay nila. Kaya naiwan ako sa gitna, walang kinalakihang mga magulang matapos inabandona at naiwan sa pangangalaga ng Lola ko kay Mama. 'Yun ngalang ay namatay rin si Lola nang mag-labing dalawang taong gulang ako at napunta sa bahay ampunan kung saan mga Christian elders ang nangangala. Doon na ako lumaki hanggang sa naging independent at nagkaroon ng job sa gallery.
I didn't finshed my studies. Bukod sa walang financial help na tumulong sa akin ay kulang din ako sa oras para tapusin ang kursong visual arts. Minsan wala na kaming nakakakain sa bahay ampunan kaya kinailangan kong humanap ng part time jobs. Mahal din kase ang mga projects at pangangailangan sa kursong pinili kaya hanggang second year lang ako. Nagkaroon lang ng knowledge sa pagpipinta kaya nang naglalakas ng loob ay nag-apply sa bagong bukas na gallery at nakapasok. Doon ko na nakilala si Hendry. Pamangkin siya ng may-ari ng Galleria Gallery.
Masakit. Masakit lumaki sa isang wasak na pamilya na walang kinalakihang mga magulang. In grew up in between. In place of their relationship where they never cared for my feelings or thought of what future will I get after they disregarded me. Masakit isipin at halos gabi-gabi akong umiiyak. Lalo pa't alam kong maganda ang buhay ng mga kapatid ko at natatamasa ang mga magagandang bagay sa buhay samantalang heto ako, hindi nakapagtapos at ni-hindi makabili ng sariling mga gamit. It was devasting and very sad but as the years went by, I get used to it.
Nasanay nalang ako kinalaunan at namanhid sa sakit. But today, I felt like the family I used to fantasize when I was young will be fullfiled today. Nagkasama ang mga magulang ko para sa araw na ito pati ang mga kapatid ay panibagong rason iyon para maging masaya ako.
"Malapit na ba tayo manong?" tanong ko nang maramdamang tumagal na ang byahe.
"Malapit na po ma'am. Papasok na po tayo sa subdivision kung saan ang church." Sagot ni Manong.
Ngumiti ako sa pagtubo ng kaba sa dibdib ko.
"Salamat po," usal ko at muling sumandal.
Simpleng white gown lang ang suot ko pero may trahi iyon. Hawak hawak ko rin ang bouquet at nasa gilid lang ang veil para ready na mamaya. Wala akong ni-hire na event's organizer dahil gusto kong tumipid. Ako lang ang nag-prepare ng kasal namin dahil madalian lang din. Basta ang importante ay ang mapapakasalan ko ay ang lalakeng mahal.
"Papasok na po tayo." Manong reminded me at napuna ko nga ang pagliko ng sasakyan sa panibagong daan at pumasok sa malaking gate.
May nakakasabayan kaming papasok at ibang nakakasalubong. Kumpara sa magulong daan kanina ay 'di hamak na organized ang subdivision at malinis ang paligid. Talagang pang mga mayayaman ang lugar na ito.
Sa bawat patak ng metro, iyon namang tubo ng kaba sa dibdib ko at paglaki ng kabog. My hands started moisting because of mixed feelings. I feel excited but nervous at the same time.
"Ilang liko pa po ba bago ang simbahan manong?" tanong ko. Madalian kase at si Hendry lang ang nag-prepare ng lugar ng simbahan kaya hindi ko alam ang lugar.
"Mga limang liko pa po ma'am. May madadaanan pa po tayong isang simbahan bago tayo makarating sa simbahan ng kasal n'yo." Paliwanag niya na ikinatango ko.
"May isa pa po palang simbahan bukod sa pagbubuhatan ng kasal namin." I muttered.
"Para naman po sa mga residente ng subdivision iyong unang simbahan ma'am."
"Ah. Palagi ka po ba rito, manong?" I asked out of the blue after learning na mukhang marami siyang alam sa subdivision na ito.
"Hindi naman po, ma'am. Sadyang sikat lang ang subdivision na ito kaya alam naming mga taxi driver ang mga kwento." He chuckled lightly.
Muling lumiko ang sasakyan. Ngunit agad din tumigil nang may makasalubong kaming van. Kumunot ang noo ko. I wanted to asked what it is pero minabuti ko nalang ang umiwas ng tingin at naghintay na makadaan sila ngunit dumaan ang ilang segundo, hindi pa rin gumagalaw ang sasakyan ni Manong.
"Bakit hindi pa tayo gumagalaw manong?" takang tanong ko at nalaman agad nang tumingin sa bintana.
"Mukhang may problema po ata, ma'am." Ani Manong.
"Dito ka lang po muna. Lalabasin oo." Napakamot ito ng batok at binuksan ang pintuan para kausapin ang mga lalake sa labas.
Nakaharang kase ang van nila sa daan at maraming mga naka-uniform ng itim na damit ang nasa labas, mukhang may ginagawa. Isa sa mga lalake ang sumenyas na lumabas ang nasa loob ng sasakyan kaya lumabas si Manong.
Hinaplos ko ang pesnge ko. Bakit ba naman sa pagkakataong pa ito kung saan nagmamadali ako. Biglang tumunog ang cellphone ko kaya nabuhayan ako ng loob at inabot ang sling bag pagkatapos kinuha ang telepono.
I immediately saw Cecilia calling me. I answered the phone as I cleared my throat.
"Hello—"
"Where are you now? Bakit wala ka pa rito, Sora? Naghihintay na ang lahat sa 'yo!" she hissed in the phone. Kahit kailan talaga ang gaspang ng ugali niya.
"May nangyari pa kase. Malapit nalang din kami. Pasensya na." Ani ko at muling hinaplos ang pesnge para ramdamin ang make up.
Ipinukol ko ang tingin sa unahan. Nandu'n si Manong driver at ang lalakeng naka-uniform nag-uusap ng masinsinan. Ngunit nang umiling-iling si Manong kumunot ang noo ko.
Anong nangyayari?
"Naku, Soraya! Mismong kasal mo mali-late ka? Alam mo namang nandito na ang lahat at alas-nuwebe ang schedule. Anong oras na, wala ka pa!" bulyaw nito na para bang siya ang matanda sa amin.
Nagtiim bagang nalang ako lalo na't humahalo sa isipan ang nakikitang mukhang nagtatalo sa labas.
"Pasensya na talaga. Kunting oras nalang please, malapit na kami." Usal ko at hindi pa natatapos tuluyan ay narinig ko na ang pagkaputol ng linya.
Bumuntong hininga ako at napagdesisyunang lumabas. Kailan ba nila planong ayusin ang sasakyan para makadaan kami? Pambihira naman. Kasal ko ngayong araw e.
Naramdaman ko agad ang pag-ihip ng hangin nang lumabas ako kasabay nang pag-tama ng silaw ng araw sa katawan ko. Nalingat ang mga lalake ngunit hindi ako nakaramdam ng kung ano at humakbang. Iyon ngalang lalong kumunot ang noo ko nang makitang nanlaki ang mga mata ni Manong at sinenyasan akong umalis. Bilisan.
"Ito bang sabi mong wala kang kasama sa loob?!" nagulat ako nang lumakas ang tinig ng lalake.
"H-hindi. M-mali ang inaakala nin'yo!"
Mabilis akong lumapit hapit ang down para bumilis.
"Anong nangyayari rito?" I intruded. Humarap sa akin ang mukhang lider ng mga lalakeng naka-uniform habang ang iba ay gumuhit ang mukhang tila nabunutan ng tinik.
"Sakto na 'yan, Pollo! Pwede na 'yan pangpalit kay Diana!"
"Umalis kana ma'am! Tumakbo kana!"
Kumabog ang dibdib ko. Nagpasalin-salin kay Manong at sa kanila ang tingin ko.
"A-anong ibig sabihin nito?" nilakasan ko ang loob. Ngunit napa-atras nang unti-unting lumapit sa akin ang lalake kasabay nang pagbatok nila kay Manong ng baril kaya nawalan ito ng malay.
B-baril?
May baril sila!
"S-sino kayo?!" I panicked, hindi makapaniwala sa nasaksihan bago lang. Walang hirap nilang hinatak ang katawan ni Manong papasok sa loob ng taxi at ni-lock. Naiwan akong mag-isa at pinalibutan nila.
"S-sino kayo?! Bakit niyo ginawa 'yun?!" pahisteryang sigaw ko at umatras ng malaki ngunit nasagabal ng trahe ng gown.
"Saktong-sakto naka bridal gown na, oh."
Nanginig ang kamay at nanghina ang tuhod sa nasaksihan. H'wag nilang sabihin na mga sindikato sila? Mas lalong tumaas ang kaba ko sa naisip na posibilidad. Hindi maari!
"Pasensya na talaga miss, pero kailangan naming gawin 'to kun'di kami ang patay kay Boss." Anang isang lalake, ang may hawak ng baril.
"Anong pinagsasabi n'yo? Sino ka 'yo? Sagutin n'yo 'ko!"
My lips trembled out of fear. Lalo na nang lingunin ang walang malay na katawan ni Manong sa loob ng sasakyan. Lalo akong kinabahan nang makitang may tulo ng dugo sa sementong binagsakan niya kanina.
"A-anong ginawa n'yo kay M-manong? P-pinatay n'yo siya! Tulong!"
They alerted when I screamed for help. Agad akong tumalikod upang tumakbo nang blanko ang isipan. Hindi ito maari! Hindi ito pwedeng mangyari!
Sino sila? Ano silang mga tao? Bakit nila ginawa iyon kay Manong gayong tahimik lamang kaming patungo sa kasal ko!
"Tumakbo! Habulin n'yo!"
Words rushed over my head. I can't think straight after fear entered my body. Sinikap kong bilisan ng pagtakbo at dinaanan lang ang taxi dahil sa sobrang kaba.
Hindi ito tama. Masama ang pakiramdam ko! Lalo lang akong natakot nang mag-sink sa utak ko ang balak nila. Bakit?
"Tulong!" I screamed for help ngunit ang lugar na tinigilan namin ay ang parteng malayo sa kabahayan.
Walang nagagawing sasakyan! Wala ring tao! But I need to escape!
"Help me! May gustong kumuha sa akin!" halos maputol ang litid ko ngunit wala akong pake.
Lalo akong nahindik nang marinig ang papalapit na yapak ng mga taong humahabol sa akin.
"Tulong!"
Air resonated in my whole body because of my speed. Slowly, my eyes started to moist and a tear fell until followed by many more. Takot, kaba at pagtataka. Iyon ang kumain sa buong pagkatao ko.
Bakit ganu'n ang nangyari nang biglaan? Seconds ago I was excited and happy na makarating sa kasal ko! Ngunit bakit biglang napalitan ng takot at kaba dahil sa paghabol ng mga 'di kilalang lalakeng ito!
"Tulong!"
"Saan mo balak pumunta ha?! Dito ka lang!"
I cried when a hand successfully caught my shoulders. Agad akong nagwala at humingi ng tulong.
"Tulong! Tulong!"
"Sino 'yan?!"
May nakita akong tao!
"Babae! Huwag mo nang balakin pa ang tumakbo!"
"Tulong! Tulungan n'yo ako!"
Kasunod sanang natanaw ko ang isang babaeng tutulong ngunit kasunod ko nalang na naramdaman ang pagtakip ng kung anong bagay sa ilong ko sanhi para umikot ang aking paningin at mawalan ng lakas.
Bumagsak ako sa kung ano at naramdaman ang pagyapos ng mga kamay sa akin upang hindi makatakas.
Bago ako tuluyang mawalan ng malay, narinig ko pa silang sumigaw.
"Huwag kang lumapit kun'di pati ikaw madadamay!"
"Para kay boss lang ang babae ito!"
Iyon ang mga salitang huling narinig bago ako mawalan nang malay. I desperately ran for my life but the black armed men was able catch me. Nagising nalang ako, hinahatak na nila ang katawan ko palabas ng sasakyan. Mga kamay ay nakagapos sa likuran, kapwa may nakabantay sa bawat gilid at sa likuran.
Isang mahinang hikbi ang lumabas sa labi ko habang hawak ng mga lalake papasok sa isang hindi pamilyar na simbahan. I pictured out a pitiful hostage in this scene and I can't but cry more because I know it's true and happening.
Lalo pang nadagdagan ang paghikbi ko nang makitang mas dumami pa ang mga lalakeng nakauniporme. Naroon ang iba sa labas ng simbahan at mayroon pang sa gate. Suntok sa buwan na ang makatakas ako.
"Itigil mo na 'yang kaka-hikbi mo, miss! Hindi naman namin ginusto 'to e!" asik ng may hawak sa akin ngunit napa-iling lamang ako.
Walang pigil sa pagtulo ang luha ko.
"Pakawalan n'yo ako please..." pero hindi ako natinag na magmakaawa.
Naisip ko si Hendry at ang mga pamilyang dadalo. Kailangan kong lakasan ang loob. Siguradong naghihintay sila sa akin hanggang ngayon. Parang tinalaban ng ilang daang kutsilyo ang dibdib ko sa pagsakit nito.
My love is waiting for me in this moment and it's devasting to know how things suddenly became like this. Pinilit kong ikurap-kurap ang mga mata, baka sakaling nasa isang panaginip lamang ako ngunit nakailan na, wala pa ring nangyayari. Nasa parehong sitwasyon pa rin ako kung saan hatak-hatak ng lalake papasok sa magarbong simbahan.
Nang nasa b****a na kami, pilit pa rin akong lumaban. The huge double oak doors is like a portal to where the boss they are calling is. Gusto kong umatras at tumakbo ngunit bantay sarado ako.
Nilingon ko ang lalake. "Maawa kayo, kasal ko po ngayong araw. Naghihintay na si Hendry sa akin... pakawalan n'yo na po ako please..." I cried in misery.
But the man's poker face only sneered at me until they successfully dragged me inside at binitiwan ako sabay sarado ng pintuan, leaving me and the mere sight of a person infront.
As my blurry image of a man in black tux standing almighty with disvelished hair and cruel eyes started to get clearer, I gasp for air and fear crept my eyes. Nanginig ang tuhod at halos matumba.
A villain. I saw a villain with tattoos in his neck and a small part in the lower portion of his right eye! Hindi ko alam kung saan huhugutin ang hininga at nang magsimula itong maglakad ay lalo akong nasindak sa takot.
Para bang nakakita ako ng demonyo na lumitaw galing sa impyerno!
Sumikip ang lalamunan ko. Hindi ako makahinga. Bago pa niya ako malapitan ay muli na akong bumagsak sa sahig at nawalan ng malay dahil sa sobrang kaba at takot.