Prologue

1476 Words
SORAYA "Mukhang ang saya n'yo po talaga ngayon, ma'am ah?" tanong sa akin ni Manong Taxi driver na siyang inarkilahan namin para sa pinakahihintay na araw na 'to. Pagsulyap-sulyap siya sa akin at nangingiti rin. Hindi ko mapigil ang pagngiti. Sino ang hindi sa ganitong sitwasyon? Walang hindi magiging masaya sa araw ng kasal mo. Wala ninuman. "Hindi lang po masaya. Masayang-masaya, manong!" pagak kong saad at marahang humagikhik. Sino ang hindi magiging masaya? I've waited for this day and it's finally happening. Sa wakas ay mapapakasalan ko na rin si Hendry, my long time boyfriend. I'll finally bear his name starting today onwards. Ilan taon din akong naghintay. Pews! "Mukha nga. Ilang taon ba kayo ni groom?" Mayumi akong ngumiti at pinagmasdan ang kumikinang na singsing sa daliri ko. Gamit ang isang kamay, hinaplos ko ito at pinagmasdang may naluluhang mata sa sobrang tuwa. The idea of getting it is still nostalgic. "Limang taon po," sagot ko. I feel so hopeful and positive. Tila walang makakabali sa sayang nararamdaman ko ngayon. Bahagyang umawang ang labi ni Manong at napatingin sa akin sa rearview mirror. Then I saw a hint of amusement in his protruding lips. "Ang tagal n'yo na palang mag-jowa, ma'am. Mabuti naman at naka-abot kayo ng limang taon. Iyong mga mag-jowa kase ngayon, kadalasan hindi na naabutan ng isang taon." Isinandal ko ang likuran sa backrest ng upuan at hinayaang huminga nang malalim ang sarili. "Depende po siguro talaga iyon sa pag-handle ng relasyon manong. Ilang beses din po kaming muntikan nang mag-break ni Hendry. Pero iniintindi namin ang isa't-isa at hindi hinahayaang manatili ang problema ng matagal." Paliwanag ko. Tumango si Manong. Nasa daan man ang tingin niya ay sumang-ayon ang reaksiyon. "Pero sabagay, tama ka rin po ma'am. Depende talaga sa pagmamahal at pag-intindi sa isa't-isa. Kami nga rin ni Misis ay magsa-sampung na taon ng kasal sa susunod na buwan." Nangiti ulit ako pagkarinig nu'n. See? That's the power of love. Totoo iyon. Hendry and I, we fought so many uncountable times. Big or small. Minsan mababaw lang naman pero may mga away talaga na malalim at mahirap intindihin kaya kung hindi mo hahabaan ang pasensya at bababawan ang pride ay mauuwi talaga iyon sa mas malaking gusot. We used to fight about our time difference back then. The time difference of the two countries we're in. Palaging walang oras si Hendry na tumawag dahil kung hindi abala sa trabaho, gabi na rin umuuwi. Ang oras sa Dubai ay halos kabaliktaran sa Pilipinas. Minsan, napapaisip nalang ako kung sinasadya lang ba niyang indahin ako at may pinagkakaabalahan lang na iba pero alam ko nalang loyal sa akin ang boyfriend ko at kapag naman kase nagka-oras siya ay pinaparamdam talaga niyang mahal na mahal niya ako. And I think that's what important. Having trust in your partner and coping up to the time that you've missed each other. No distance can hinder your love for each other if there's understanding, faith and love in between. Kaya naman nang umuwi siya last month, ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pang mag-propose and gladly he accepted it. Yes, I was the one who proposed to him. Some people say hindi iyon maganda at unlikely sa ideal na nangyayari katulad sa mga libro pero wala akong pake. I live on reality. Ang alam ko mahal ko si Hendry at siya lang ang gusto kong maging ama ng magiging anak ko. Kaya pakiramdam ko kapag pinatagal ko ay hindi ko na magagawa pa. I used my savings for the past years to bought our ring. Sinikap kong bumili ng totoo at mahal para mapatunayang kasing mahal din ng singsing ang pagmamahal ko sa kan'ya. He was shocked, as he should be pero dahil likas na mabait at mapagmahal ang aking gwapong boyfriend, binilhan niya rin ako ng singsing na siyang suot ko ngayon. I heard it cost almost a million, sabi niya sa akin. Mas mahal pa sa singsing na binigay ko. Kaya naman sobra akong saya na pakiramdam ko nakalutang pa rin ako sa cloud nine. "Sana'y magtagal po kayo ng magiging asawa mo, ma'am." I smiled at Manong's remark. "Sana kayo rin po ng asawa ninyo." Tugon ko. 3RD PERSON'S POV "Where the hell did she go?!" halos lumabas na ang litid sa sentido ng lalakeng naka-fix tux habang nasa harapan ang mga tauhang nakayuko at nanginginig sa kaba dahil sa pagtaas ng boses nito sa loob ng simbahan. "Bigla nalang po siyang nawala, boss. Kanina nasa loob lang siya ng sasakyan." Halos tumulo na ang pawis sa noo ng isa sa mga tauhan niya. Ang mga kamay ay mahigpit na nakahawak sa laylayan ng uniform na suot. "You f*cking dumb*ss! Do you think I'll buy that?!" he howled angrily and in swift second, he was able to held the poor man's collar in a violent way na halos mawalan na ito ng hininga. "B-boss..." Nahihirapang usal nito. Halos umubo sa pagkakasakal. "I payed that woman millions and you'd say she fooled all of you and ran away?! What's the purpose I hired all of you ha?!" umugong ang nakakatakot na tinig ito sa buong chamber ng simbahan. Halatang-halata ang accent nito sa pagsalita ng ingles palibhasa'y halos sa America at Italy na tumira dahil sa business. Halos napa-atras lahat ng tauhan niya sa takot. They know their boss is a cruel and ruthless boss. Hindi ito magdadalawang isip na pitikin ang gatilyo ng baril sa ilalim ng tux niya dahil galit na galit na naman ito. He had been through the thin hole of the needle these past weeks finding that suitable girl who agreed to marry him in condition of money by giving him child. Sa dinami-daming babaeng inalokan niya, ito lang ang pumayag. Isang bayarang babae na nagtatrabaho sa bar na palagi niyang pinupuntahan. Pero dahil desperado na siya, kinagat na niya at binigyan agad ng sampung milyon ang babae ngunit sa araw mismo ng kasal nila ay bigla nalang itong naglaho sa loob ng bridal car at hindi na mahagilap ng mga tauhan. Impossible. Hindi makapaniwala si Alaric na nalusutan nito ang mga tauhan kaya naman galit na galit siya. Ang kinaiinis ng ulo niya, hindi matutuloy ang kasal kapag wala ito. Ni-wala siyang pake sa sampung milyon. "B-boss hindi ako makahinga..." the poor man gasped for air but the tight gripped of Alaric's hand on his collar wouldn't let him. "B-boss..." Kahit ang iba pang tauhang naka-abang ay nababahala na rin. Kung magtatagal pang nakabitin ito sa ere, malalagutan siya ng hininga. They were all alarmed. Takot na mangyari rin sa kanila ang nangyayari sa kasamahan kaya isang tauhan ang humakbang sa unahan. "Boss," lakas loob nitong usal. Agad na lumipad sa kan'ya ang malalamig ngunit nagbabagang mga mata ni Alaric kaya napatalunton ito ng laway. Staring at his eyes were like watching a blazing ball of sun ready to devour you. It is very dangerous and deadly kaya umiwas ng tingin ang tauhan. "Hahanapin po namin. Hahalughugin po namin ang buong lugar, boss. Dadalhin namin si Diana pabalik rito kahit anong mangyari. Kaya bitawan n'yo na po sana si Elmar, boss." Naningkit ang mga galit na mata ni Alaric. Galit na galit pa rin siya at walang pake kung malagutan man ng hininga ang tauhan ngunit hindi na niya makakaya pang mas sumabog pa sa galit at tuluyang mawala sa huwisyo. Kasal pa naman sana niya. Kasal. Bahay-bahayan. Tila isang laro lamang ang tingin niya para rito at bagay na hindi dapat seryosohin ngunit dahil sa pagbabanta ng mga t*anginang kalaban niya ay nawalan siya ng choice kun'di ang humanap ng babaeng magdadala ng magmamana ng mga kayamanan niya kapag mamatay man siya. But f*ck marriage. Pwede namang siyang bumuntis ng babaeng bayaran at kunin lang ang anak nito gaya nang nangyari sa kanya. Walang ina. Kaya bakit pa siya magpapasakit ng ulo sa seremonyang ito? Umiba na sana ang isip niya nang lumuhod sa paanan niya ang mga tauhan at humihingi ng pagkakataong hanapin ang ran away bride niya. Narindi siya rito at binitawan na sa huli ang kwelyo ng kawawang Elmar na nahahapong hinuli ang hininga. Alaric then sighed and massaged the bridge of his nose. He's still deadly pissed. "Go f*cking find her in 10 minutes or else you'll lose all of your head!" he fired atrociously and mightily took one of the chairs and seated to calm himself down. Nasulyapan pa niya ang nakatagong pari sa likuran ng mesa kaya hindi niya napigilang h'wag ngumisi kahit gusto rin niyang kwelyuhan ito. Coward. He badly want to utter it to him to put sarcasm on how brave and godly he is earlier but when he burst out ay para namang kuting na tumago sa likuran ng mesa. "You wait there until my bride comes. Don't ever move on your place." Anito at muling bumuntong hininga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD