Chapter 57 VIOLETTA… DINALA AKO NI Alexander sa isang coffee shop malapit sa bahay ko. Siya na rin ang nag-order para sa aming dalawa, basta pinaupo na niya ako sa may bakante lamesa. Nakatingin ako sa kanya habang nasa counter siya para mag-order. Dati madalas na formal suit ang nakikita kong suot ni Alexander, madalang na makita ko siyang naka-casual clothing. Hindi tulad ngayon, kahapon nakita ko siyang naka-casual lang din tulad ngayon araw. Jeans, shirt, running shoes, and most of all baseball cap? Parang nagmumurang kamyas? Hindi ko napigilan na matawa sa huling naisip ko. “What’s funny?” takang tanong sa akin ni Alexander. Nasa tabi ko na pala siya ngayon, as in sa tabi ko siya naupo hindi sa may kaharap kong upuan. “May bakante sa harapan, bakit dito ka naupo sa tabi ko?”

