Chapter 49 VIOLETTA… FIVE YEARS LATER… “LATE KA na naman,” sermon sa akin ni Ludwig. Pero kaysa ang ma-guilty nginisihan ko lang siya. Kaya pailing-iling siyang nakatingin sa akin at pinameywangan pa ako. Naglalambing na nilapitan ko siya para yakapin ang bewang niya at halikan siya sa labi. “Love, alam mong marami akong bayarin.” Sabi ko sa kanya after kissing him. Nag-tsk lang siya bago niya ako halikan sa noo. After so many attempts and many heart breaking failure to persuade me. Bumigay rin ako sa kakulitan ni Ludwig sa panliligaw niya sa akin. Ngayon mag-iisang taon na rin ang relasyon naming dalawa. Sabi nga ng mga nakakakilala sa aming dalawa, kay Ludwig lang talaga ang bagsak ko. “Paano na lang kung wala ako, sinong susundo sa Miss Bulilit mo?” sermon na naman niya sa

