Chapter 48 VIOLETTA… TWO RED LINES. Kanina ko pa tinititigan ang dalawang linyang babago sa takbo ng buhay ko ngayon. Honestly I was too scared right now, I’m so alone and obviously pregnant and that’s not a good combination. Parang gusto ko nang bumalik sa Italy, gusto kong kausapin ang mga magulang ko. Pero higit sa lahat, kausapin si Alexander at sabihin na magiging tatay na siya. na kahit na hindi niya tanggapin na magiging ama na siya ng anak namin, at least alam niya. Nasa tabi ako ng mga magulang ko, may katuwang ako. Natatakot ako ngayon na isipin na mag-isa lang ako, kakayanin ko kaya ang lahat. “Candy, are you okay?” katok sa akin ni Alessia. Nasa loob pa ako ng banyo hanggang ngayon, simula ng dumating si Ludwig dala ang pregnancy test kit na binili niya para sa akin. Sigu

