Chapter 47 VIOLETTA… ARRIVING AT Manila gives a shiver into my spine, dati kapag dumadating ako sa lugar na ito sinusundo kami ng mga kamag-anak ni Mommy. But today is different, no one knew I was here and no one should know I was here too. Sa paglabas ko ng airport, sinalubong ako ng malamig na ihip ng hangin. Hindi man kasing lamig ng hangin sa Italy, ibang lamig naman ang naramdaman ko ngayon. Ngayon nag-si-sink in sa utak ko ang lahat, ang ginawa kong paglalayas. Magsisimula ako ulit, pero kaya ko kayang magsimula tulad ng iniisip ko. Ngayon na nakalapag na ang eroplanong sinakyan ko para makaalis sa dating mundo ko. Nararamdaman kong nag-iisa na lang ako sa mundo, walang mga magulang kong palaging nasa tabi ko. Wala nang Alexander na lalam— “Candy?” tawag sa akin ng isang babaen

