CHAPTER 46 ALEXANDER… NAKAKAPAGOD ang mag-ayos ng isang problemang hindi ko naman kasalanan. Pero dahil ako ang boss dito, ako ang may-ari ng lahat ng mga ito. Kailangan kong ayusin ang problemang ito at ang hanapin ang gagong Manager na nagtakbo ng pera ng mga staff ng winery sa Paris. Nagkamali ng taong binangga ang gagong iyon, kahit sa impyerno pa siya magtago hahanapin at hahanapin ko siya. akala siguro ng tao na iyon hindi na ako madadamay sa mga kalokohan na ginawa niya. Until the whole staff makes their action and he cannot handle it anymore, and he just run away. Sa dami ng inasikaso ko, sa dami ng mga taong kailangan kong kausapin. My work in Paris took a week to be done, but not entirely done. Kailangan ko pa ring iwanan si Pietro para asikasuhin niya ang ibang mga trabaho d

