Chapter 45 ALEXANDER… WHEN I WOKE up wala na si Violetta sa tabi ko, halos maggagabi na rin ng magising ako dahil papadilim na sa paligid. Kung hindi pa ako ginising ni Pietro hindi pa sana ako magigising. Hindi ko malalaman na wala na si Violetta at nakauwi na ito. Ilang gabi na akong walang maayos na tulog, inaasikaso ko ang mga negosyo ko at maging ang nalalapit naming kasal ni Violetta sa darating na linggo. And that two days from now, tapos ang bride ko wala pang kaalam-alam na ikakasal na kami. Kaya lahat iyon sinusolo ko ang trabaho, kaya kulang ako sa tulog kahit pa tinutulungan ako ni Pietro. Parang blessing na rin na ipinilit ni Violetta na hindi na muna ito matutulog dito sa bahay ko. Kasi nagagawa ko ang lahat sa gabi kapag hindi ko na siya kasama. “Signore, I know this is

