Chapter 61 VIOLETTA… THE WHOLE LUNCH is so eventful, tulad noong kumain kami ng agahan na magkakasama. Para akong isang dump site ng mga pagkain. Ludwig and Alexander, ang hirap nilang sawayin na dalawa. Nagpapaligsahan silang maglagay ng mga pagkain sa plato ko, tapos isama pa ang anak ko na takaw tingin lang. Ano pa nga ba ang gagawin ng isang ina na katulad ko, kung hindi tanggapin ang pagkain na ibibigay ng anak ko. Mabuti na lang din sa isang private room kami kumakain ngayon, request ni Alexander. Kung hindi nakakahiya ako sa paligid ko kung nagkataon, baka isipin nilang ang takaw-takaw kong babae. “Ang sakit na nang tiyan ko,” reklamo ko na. Hindi pa rin matapos-tapos ang paglalagay nila ng pagkain sa plato ko, tapos nag-order pa ng magkaibang dessert ang mg kumag. Hindi na ak

