Chapter 62 VIOLETTA… KINAHAPUNAN nagkaroon ng mini children’s party. Mini, kasi si Ria, David, at iyong bunsong anak nila Diane na si Precious lang ang nasa party. May blowing of candles din na nangyari at kaunting gift giving. But nonetheless my daughter is happy, obvious naman sa mukha ng anak ko. Siguro kasi ito ang unang birthday niya na kasama niya ang Tatay niya. “Are you happy, my little Princess.” Tanong ni Alexander sa anak namin. Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa, ang tagal kong inimagine na makita ang ganitong eksena. Mula pa lang noong pinagbubuntis ko si Alexandria iniisip ko na noon pa kung paano ang magiging relasyon nilang mag-ama. I didn’t know that everything will be good as it is now, na para bang walang limang taon na lumipas na hindi magkasama ang mag-ama. The

