Chapter 52 VIOLETTA… KINAUMAGAHAN hindi ko nakausap ang anak ko, may sumpong daw sabi sa akin ni Ludwig. Mukhang may dinaramdam pa yata ang anak ko. kulang na lang hilahin ko ang oras at araw matapos ko lang ang seminar na ito, kaso may isang araw pa. Sa hapon naman, hindi ko pa rin nakausap si Ria dahil masama na raw ang pakiramdam kaya nakatulog na nang maaga. Hindi nga raw kumain ng marami, hindi katulad noon na malakas kumain ang anak ko. Nakakabahala ang nangyayari sa anak ko, gusto ko na talagang umuwi ngayon din. “Umuwi na kaya ako,” nag-aalalang tanong ko kay Ludwig. “No, tapusin mo iyang seminar mo. Malaking bagay iyan para makahatak ka ng mga bagong client. Sa last day may mga doctors na darating d’yan, doon mo galingan love para makakuha ka ng bagong client. Sa ‘yo na galin

