Chapter 53 VIOLETTA… NAGMAMADALI AKONG bumaba ng tricycle nang nasa labas na ako ng ospital kung saan dinala ni Ludwig ang anak ko. papasok na sana ako sa loob ng ospital ng makita ko si Ludwig na nakaupo sa labas sa may hagdanan ng ospital papasok sa may emergency room. “Ludwig,” tawag ko sa kanya ng hindi niya pa ako nakita. Agad siyang tumayo, at mabilis na lumapit sa akin. “Anong ginagawa mo dyan?” takang tanong ko sa kanya habang papalapit siya sa akin. “I’m sorry, Candy.” Sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko, tapos kinabahan na naman ako. “Anong nangyari sa anak ko Ludwig?” nag-aalalang tanong ko agad sa kanya. Ngayon ko siya natitigan nang mabuti, puno siya ng pag-aalala na para rin siyang tuliro habang nakatingin sa akin. Ayokong mag-isip ng masama, ayokong isipin na may nan

