Chapter 54 ALEXANDER… KAHIT NA nailipat ko na nang private room si Alexandria hindi pa rin ako natutuwa sa mga nangyayari. Hinihintay ko lang ang mga result at ang magaling na nanay ng anak ko bago ko tuluyan na ilipat si Alexandria sa private hospital. “Papa Xander,” tawag sa akin ni David. Nasa tabi ni Davud ang tatay niya kasama si Precious ang bunso nila, tapos nasa tabi ng hospital bed ni David si Alexandria na wala pa ring malay hanggang ngayon. Hanggang ngayon naghihintay pa rin ako ng result ng mga laboratory test ng bata. Kaya hindi ko pa tuloy alam ang dahil bakit siya naospital, bukod sa nagsusuka at nagdudumi ang anak ko. “Yes, David?” tanong ko sa bata. “Who is she Papa?” tanong nito na nakatingin naman na ngayon sa anak ko. “She’s my daughter,” mabilis na sagot ko. “H

