CHAPTER 03

1166 Words
  “BENJ, Dion! Hindi na ako natutuwa! Pinag-ti-trip-an niyo ba ako, ha?!” Medyo naiinis na si Jonas dahil halos limang minuto na rin siyang nakatayo sa kung saan man siya iniwan ng dalawang kaibigan. Ayaw naman niyang gumalaw dahil baka nga may prank na nakahanda sa kanya. Knowing that two, mahilig sa kalokohan ang mga ito. Baka kapag gumalaw siya ay may kung anong mangyari. “Okay! This is not funny! I am going to remove this--” Natigilan si Jonas nang sa pagtanggal niya ng blindfold ay nakita niya kung nasaan siya. Tama nga siya, sa beach siya dinala nina Benj at Dion. Pero hindi basta-bastang beach. Maliwanag doon at puno ng petals ng red roses ang paanan niya. May arko pa na yari sa red and white balloons. Hindi na niya alam ang kanyang mararamdaman nang makita niyang mula sa arko ay naglakad ang kanyang partner na si Martin. Nahiya naman siya sa suot nitong suit habang siya ay simpleng pambahay na t-shirt at shorts lang. Ano bang meron? Bakit hindi man lang siya in-inform ng dalawang bakla niyang kaibigan na may pa-suit si Martin? Edi, sana nagsuot din siya ng ganoon. Napansin niya sina Benj, Dion at Summer sa hindi kalayuan. Ewan niya pero sa hitsura ng tatlo ay mukhang kinikilig ang mga iyon. Muli siyang tumingin kay Martin. Papalapit na ito sa kanya. Nakangiti ito pero umiiyak ba ito? Luha ba ang nakikita niyang pumapatak sa mga mata nito? Malamang luha! Alangan namang sipon, `di ba? Sarkastikong sabi niya sa sarili. Ilang sandali lang ay nasa harapan na niya si Martin. Tama nga siya, umiiyak nga ito pero nakangiti. Nababaliw na ba ito? “Martin, ano ito? A-anong meron?” nagtatakang tanong niya. “A-actually, I prepared a speech for this pero… p-parang I can’t wait any longer para malaman ang sagot mo sa itatanong ko sa’yo.” “W-what?” Isang maliit na box ang hinugot nito sa kanyang bulsa. Nang lumuhod si Martin sa harapan niya at buksan ang box at nakita niya na isang singsing ang laman niyon ay doon na siya nagkaroon ng idea kung ano ang nangyayari. Bumilis ang t***k ng puso niya. Automatic din ang pagpatak ng luha mula sa kanyang mga mata. Kapwa na sila luhaan nang maghinang ang kanilang mga mata. “Jonas Ocampo… Will you marry me?” Madamdaming tanong ni Martin sa kanya.   MAG-IISANG oras na rin na nakatambay si Jonas sa Beanstalk Cafe. Naubos na niya ang dalawang tasa ng kape na in-order niya. Pumwesto siya sa table kung saan kita niya ang lahat ng pumapasok. Ayon kasi sa palitan ng message ni Martin at ng ka-chat nito ay ngayon magkikita ang dalawa. Gusto niyang makita in his own eyes kung totoo bang nagchi-cheat si Martin sa kanya. Kung, totoo, alam na niya ang gagawin niya. Hihiwalayan na niya agad ito habang hindi pa tumatagal ang relasyon nila. Hanggang sa dumating na nga ang oras na hinihintay niya. Pumasok na si Martin sa cafe at pumwesto sa isang table. Mabuti na lang at nakatalikod ito sa gawi niya kaya hindi siya nito makikita. Tila abala ito sa phone nito. Ang sabi nito sa kanya ay mag-o-overtime ito sa trabaho. Pero alam niyang kasinungalingan lang iyon dahil imi-meet nito ang ka-chat nito. Maya maya pa ay isang matangkad, moreno at average-looking na lalaki ang lumapit kay Martin at nag-shake hands ang dalawa. Umupo ang lalaki sa upuan na kaharap ng kanyang nobyo. Doon pa lang ay parang sasabog na sa sobrang galit at selos ang dibdib niya. Parang may ilang libong kutsilyo na tumarak sa kanyang puso sa sobrang sakit na nararamdaman niya. Nagbabanta na rin ang luha sa kanyang mga mata. Hindi niya kilala ang lalaki pero sigurado siyang ito ang ka-chat ni Martin noong isang gabi. Nag-order ang dalawa at kumain. Nanatili siyang nakamasid kahit nasasaktan. Ang sweet-sweet pa ng dalawa. Ang saya-saya habang nagku-kwentuhan. Huminga muna nang malalim si Jonas bago nagdesisyon na tumayo patungo sa table ni Martin at ng kasama nito. “Hi, Martin! Akala ko ba OT ka?” Kitang-kita niya ang gulat sa mukha nito nang makita siya. “J-jonas? A-anong ginagawa mo dito?” “Ikaw nga ang dapat kong tanungin niyan, `di ba? OT? Talaga?” Tinignan niya ang kasama nito na obvious na nagtataka kung sino siya. “Hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa kasama mo? O gusto mong ako na lang ang magpapakilala sa kanya?” Nang-uuyam na turan niya. Biglang tumayo si Martin at hinawakan siya sa kamay. “Umuwi na tayo--” “Martin, sino ba siya?” tanong ng kasama nito na tumayo na rin. “Ako lang naman ang partner niya!” Matapang na sagot ni Jonas. Wala na siyang pakialam kahit nakukuha na nila ang atensiyon ng ibang tao na naroon. “Well, ex-partner!” Hinubad niya ang couple ring nila ni Martin at ibinato iyon sa mukha nito. Pinalis niya ang kamay nito sabay alis sa lugar na iyon.   “ANO ito?” tanong ni Martin sa kanya nang makita nitong ini-empake na niya ang gamit nito sa isang malaking maleta. Umiiyak na tumingin si Jonas dito. “Hindi pa ba obvious? We’re done! Ayoko na! Ako na ang nag-eempake ng gamit mo. Umalis ka na dito!” galit na sigaw pa niya. Bigla siyang niyakap nang mahigpit ni Martin. Nagpumiglas siya pero masyado itong malakas kesa sa kanya. “I’m sorry…” Naramdaman niya ang pagpatak ng luha nito sa kanyang balikat. “Wala nang magagawa ang sorry mo! Nagawa mo na! Bitiwan mo ako!” “Hindi ko na uulitin. Natukso lang ako, aaminin ko. I’m so sorry… I can’t live without you, Jonas. I love you!” “Sana man lang naisip mo `yan bago mo ako lokohin!” “Sinabi ko na kay Andrew ang totoo. Hindi na kami magkikita. Hindi na kita lolokohin. I promise!” “M-martin, ano ba?!” Inipon niya ang lahat ng lakas niya para kumawala dito at nagtagumpay naman siya. “Sa tingin mo ba ganoon na lang kadali iyon? Gagawa ka ng kalokohan tapos kapag nahuli ka ay papatawrin ka agad?” Natahimik ito sa sinabi niya. Umiiyak na tinignan siya nito. Naisuklay niya ang kanyang kamay sa sariling buhok. “I thought matino ka. Akala ko okay ka. Akala ko hindi ka katulad ng ex ko. Pero, `tangina! Wala kang pinag-iba sa ex kong manloloko! Sinira mo na nag tiwala ko. Ayoko na. Umalis ka na lang dito. Tapos na tayo, Martin.” Isinara niya ang maleta nito sabay sabi ng: “Good bye!”   “JONAS?” untag sa kanya ni Martin nang mapansin nito na medyo matagal siyang sumagot. “Uulitin ko, will you marry me?” Tinignan niya sa mata si Martin. Nakikita naman niya na sincere ito sa proposal. Pero natatakot siya, next level na kasi kung sasagot siya ng “yes”. Paano kung maulit ulit ang panloloko nito sa kanya noon? Paano kung masaktan na naman siya nito? Kahit ba isang beses lang nitong nagawa iyon at hindi na naulit. Hindi naman nito sinayang ang second chance na ibinigay niya kaya lang hindi niya hawak ang pwedeng mangyari. Ang ngiti sa mukha ni Martin ay unti-unting nawala at napalitan ng pagkabahal sa hindi niya pagsagot. “J-jonas?” Paano ba niya sasabihin dito na natatakot siya na masaktan ulit? Oo, mahal na mahal niya si Martin. Walang duda doon. Pero marami siyang “what if’s”. Maya maya ay tumayo na si Martin at isinara na nito ang box na hawak. Mapait itong ngumiti sa kanya at tinalikuran na siya para maglakad palayo.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD