HINDI na mapakali si Martin sa kinatatayuan nang makita na niyang paparating sina Benj at Dion na kasama si Jonas. Naka-blindfold ito at ipinuwesto na ito ng dalawa sa spot kung saan siya magpo-propose dito. May nakakalat na petals ng red rose sa paanan nito. Hinayaan muna nila si Jonas doon. Maya maya ay lumapit na siya dito. Walang kamalay-malay si Jonas na nasa harapan na siya nito. Panay ang imik nito na naiinip na ito at pinipigilan niya ang matawa.
Katulad pa rin ito ng dati, mainipin pa rin ito. Pero kahit mainipin si Jonas, ito na yata ang pinaka mabuti at mapagmahal na tao na nakilala niya sa buong buhay niya…
NANG malaman ni Martin na ang lalaking kanina pa niya tinitignan sa bar ang sumusuka ay hindi na siya nagdalawang-isip na lapitan ito. Inalalayan niya ito dahil alam niyang lasing na lasing ito. Hinawakan niya ito sa balikat habang hinahaplos niya ito sa likod.
Namumungay sa kalasingan ang mata nito nang tumingin sa kanya. “Bitiwan mo nga ako!” angil nito sabay tayo nang ayos. “Kanina ka pa, ha! Ikaw din `yong nasa CR!”
“Nagmamagandang-loob lang ako. You’re drunk. Ako nga pala si Martin…” Inilahad niya ang kamay niya dito.
Tinignan lang ito nang lalaki. Maya maya ay umaktong susuka na naman ito at sa hindi sinasadyang pagkakataon ay sa kamay niyang nakalahad ito sumuka. Doon na natumba ang lalaki. Napaluhod ito sa kalsada. Muntik nang humampas ang mukha nito sa semento. Mabuti na lang at naging maagap siya at nasalo niya ito.
Sa sobrang kalasingan ay nawalan na ito ng malay. Sinubukan niya itong itayo para dalhin sa kanyang kotse. Siguro ay dadalhin na lang muna niya ito sa bahay nila. Bahala na kung ano ang ipapaliwanag niya sa parents niya. O pwede naman siguro sa isa sa bahay ng kaibigan niya. Bahala na. Basta, hindi siya papayag na iwanan na lang ang lalaking ito dito.
Nasa ganoong akto siya nang maabutan nina Summer, Benj at Dion.
“Oh my, God! Sino `yan?” Exxagerated na tanong ni Summer. Nauna itong lumapit upang tignan kung sino ang walang malay na kasama niya.
“Siya ba `yong type mo loob ng bar?!” ani Dion. “Siya nga! Anong ginawa mo sa kanya? Did you killed him?!”
Itinirik ni Martin ang kanyang mata. “Ang OA niyo. Bakit kaya hindi niyo na lang ako tulungan na dalhin siya sa kotse ko?” aniya.
Doon lang kumilos ang tatlo. Pinagtulungan nilang ihiga ito sa backseat ng kanyang sasakyan. Saka niya tinanong ang mga kaibigan kung kaninong place niya ito pwedeng dalhin. Sa apartment lang ni Summer ito pwede. Magkasama kasi sa apartment sina Dion at Benj at maliit lang ang place ng mga ito. Kaya naman sumakay na rin si Summer sa kotse niya para maiuwi na nila ang naturang lalaki.
HINDI malaman ni Martin ang gagawin nang sa wakas ay magising na ang lalaki. Sa kama ito ni Summer inihiga habang silang dalawa ay sa salas natulog. Nauna siyang nagising kaya naman hindi niya napigilan ang sarili na panoorin ang lalaki habang natutulog ito. Ewan niya pero ang bilis talaga ng t***k ng puso niya kapag nakikita niya ito. Ito na nga siguro iyong tinatawag nila na love at first sight.
Nagmamadali na pumunta agad siya sa kusina upang ipagtimpla ito ng kape. Pagbalik niya ay nakaupo na ito sa gilid ng kama habang tila puzzled kung nasaan ito.
“You passed out sa sobrang kalasingan kagabi,” bungad niya habang inaabot dito ang kape. “Uminom ka muna nito para mahimasmasan ka.”
Inabot naman ng lalaki ang kape at ininom iyon nang dahan-dahan.
“Nasa bar ka kagabi. Sino ba iyong mga kasama mo?” tanong niya.
Tumingin sa kawalan ang lalaki. “I just met him sa Grindr. It’s our first meet up at hindi ko naman alam na sa inuman with his friends niya ako dadalhin. Nakisama na lang ako. Ayokong masabihang KJ, e,” balewala nitong sagot.
“Grindr? So, you’re bisexual or gay?”
“Kung ano ka, ganoon din ako. Nasa isang bar tayo exclusive for gays and bisexuals… What do you expect?” straight na sagot nito.
“Oy, hindi, a! Girl ako pero nandoon din ako sa bar!” Sabay silang napatingin sa paparating na si Summer. Nagising na rin pala ito. Umupo ito sa tabi ng lalaki. “Alam mo, mabuti na lang at itong kaibigan ko ang nakakita sa iyo nang mawalan ka ng malay. Naku, kung iba, baka kung ano na ang masamang nangyari sa’yo!”
Napatingin ang lalaki sa kanya. Lihim siyang kinilig nang makita niya nang maigi ang chinito nitong mata. “Thank you…” Matipid nitong pasasalamat.
“You’re welcome! By the way, ako si Martin and this is Summer!” Pagpapakilala niya.
“Jonas…” anito at mabilis nitong inubos ang kape. “I have to go na. Maraming salamat talaga sa inyong dalawa. Sa’n pwedeng maghilamos?” anito.
PAANO ba makakalimutan ni Martin kung paano sila nagkakilala ni Jonas? Kahit siguro magkaroon siya ng amnesia ay never niyang makakalimutan ang tagpong iyon sa buhay niya. Sa kauna-unahang pagkakataon kasi ay tumibok ang puso niya at alam niyang seryoso siya dito. Bago kasi ito umalis sa bahay noon ni Summer ay hindi siya pumayag na hindi niya makuha nag number nito. After no’n ay naging madalas na ang pagkikita nila ni Jonas. Minsan silang dalawa lang, minsan kasama ang barkada. Kaya naman naging ka-close na rin ito nina Summer, Benj at Dion.
Hanggang sa niligawan na niya ito at makalipas ang dalawang buwan ay sinagot na siya ni Jonas. Sa apartment nito na siya tumira dahil bukod sa malapit sa workplace niya ay upang palagi niya itong makasama. Iyong ito ang una niyang makikita sa pag-gising at huli naman bago matulog.
Pero sadyang walang perpektong relasyon, natukso siyang gumamit ulit ng gay dating app na Grindr at doon ay may nakilala siya. Wala namang something special sa kanila ng nakilala niya doon, pampalipas-oras lang. At nahuli siya ni Jonas. Nakipag-break ito sa kanya. Pero hindi siya tumigil na suyuin ito. Mahal na mahal niya kasi ito at hindi niya kayang mabuhay nang wala ito. Hanggang sa makalipas ang limang buwan ay nagkabalikan sila. Marahil ay nakita nito na nagbago na nga siya.
At ipinangako ni Martin sa kanyang sarili na hinding-hindi na niya sasayangin pa ang pangalawang pagkakataon na ibinigay nito sa kanya.
Heto na nga siya ngayon, sa harapan ni Jonas. Nang tanggalin nito ang blindfold ay lumuhod na siya sa harapan nito at tinanong kung nais ba nitong magpakasal sa kanya. May nakita siyang pag-aalinlangan sa mata ni Jonas. Doon na siya kinabahan… Marahil ay natatakot itong gawin niya ulit ang panlolokong nagawa niya noon. Pero alam niya sa kanyang sarili na hindi na iyon mauulit. Hindi na niya kayang makitang nasasaktan si Jonas.
Inulit niya nag tanong niya pero hindi pa rin ito makasagot. Kapwa na sila lumuluha.
“J-jonas?” untag niya dito.
Nang hindi pa rin ito sumasagot ay doon niya naisip na baka ayaw pa nito o baka ayaw talaga nito. May kirot sa puso na tumayo na siya at isinara ang box ng singsing. Mapait siyang ngumiti dito at tumalikod para umalis na. Nararapat lang na igalang niya nag desisyon nito.
Pero nakaka-isang hakbang pa lang siya nang maramdaman niya ang kamay ni Jonas sa kamay niya.
“Martin! Yes!” sambit nito.
Mabilis niyang nilingon si Jonas. Nakangiti ito habang umiiyak. “W-what?” Hindi makapaniwalang bulalas niya.
“Yes, Martin! I will marry you!”
Parang sasabog sa tuwa ang puso ni Martin nang sandaling iyon. Napalitan nang saya ang pagkabigo na nararamdaman niya dahil ang akala niya ay hindi ito papayag na magpakasal sa kanya. Kinabig niya si Jonas at siniil ng halik ang labi nito sabay yakap ng mahigpit.
Sinenyasan niya si Summer na okay na at kasabay niyon ay ang pagsabog ng fireworks sa kalangitan. Nagliwanag ang madilim na gabi dahil sa fireworks. At maya maya ay pumailanlang sa paligid ang awitin ni Shania Twain na From This Moment…