LUMULUHA ngunit namamangha na pinagmasdan ni Jonas ang pagsabog ng fireworks sa kalangitan habang tumutugtog ang paboritong kanta nila ni Martin.
You’re the reason I believe in love
And you’re the answer to my prayers from up above
All we need is just the two of us
My dreams came true because of you…
Muli silang nagyakapan ni Martin. Walang pagsidlan ang saya sa kanyang puso. Tama na siguro ang takot na nararamdaman niya na baka ulitin ni Martin ang panloloko nito. Sapat nang katibayan ang pag-propose nito sa kanya na seryoso nga ito sa kanya.
“BAKIT gising ka pa, asawa ko?” Napatingin si Jonas sa nagising na si Martin. Nahuli siya nitong tinitignan ang suot na engagement ring.
Kakauwi lang nila at sa pagod ay agad silang nahiga sa kama para matulog. Pero si Martin lang ang nakatulog habang siya ay hindi. Hindi pa rin kasi siya makapaniwala na sooner or later ay ikakasal na sila ni Martin. O mas tamang tawagin na Holy Union. Hindi naman kasi legal sa Pilipinas ang same-s*x marriage. Pero atleast, parang kasal na rin iyon.
“Wala, tinitignan ko lang `tong singsing…” aniya.
Umusos si Martin sa kanya at niyakap siya sa beywang habang nakasubsob ang ilong nito sa kili-kili niya. Paborito nitong gawin iyon.
“Tinitignan mo ba kung may bato?”
“Gago!” Natatawang turan niya. “Hindi lang ako makapaniwala kasi ikakasal na tayo.”
Umangat ang mukha ni Martin. Mukhang inaantok pa ito. Sabagay, alas kwatro na ng madaling araw. “Maniwala ka na, Jonas. Wala nang makakapaghiwalay pa sa ating dalawa habangbuhay!”
“Corny mo!” Bigla siyang natahimik nang may maisip siya. “Pero, asawa ko, sasabihin ba natin ito sa family natin? Sa side ko naman ay walang problema since alam nila kung ano ako. Ikaw? Sasabihin ba natin sa kanila?”
“Sasabihin pero huwag muna ngayon. May tamang time para diyan. Siguro kapag malapit na ang kasal. Alam mo naman na conservative ang pamilya ko. Baka hindi nila matanggap tapos tutulan pa nila tayo. Ayoko naman na mangyari iyon.”
Medyo humanga si Jonas sa sinabi ni Martin. Noon kasi kapag napag-uusapan nila ang tungkol sa pag-out nito sa pamilya nito ay umiiwas ito. Pakiramdam niya tuloy noon ay wala itong balak sabihin sa pamilya nito kung ano talaga ito. Pero ngayon, ibang-iba na ito.
Yumakap na rin siya kay Martin at ipinikit ang mga mata.
“Matulog na nga lang tayo. May pasok ka pa mamaya, e…” aniya.
PAGKAALIS ni Martin para pumasok sa trabaho ay sinimulan naman ni Jonas ang pagsusulat ng nobela na kailangan niyang tapusin this month. Minamadali na kasi siya ng kanyang editor na tapusin iyon para maihabol sa release ng books niya. Tuloy-tuloy siya sa pagtipa sa keyboard nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. May nag-message sa kanya sa Messenger.
Hindi niya iyon pinansin. Hindi man lang niya tinignan ang kanyang cellphone na nasa tabi lang ng kanyang laptop. Kailangan niyang mag-concentrate sa pagsusulat.
Itinuloy lang niya ang ginagawa at makalipas lang ang isang minuto ay muling tumunog iyon. Hindi na message sa Messenger pero isang tawag na.
Napabuga siya ng hangin nang makita niyang si Summer ang tumatawag. Napipilitan na dinampot niya ang phone para sagutin ang tawag.
“Hello. O, bakit ka naman tumawag? Alam mo naman na busy ako sa pagsusulat!” bungad niya.
“Bakit hindi mo binabasa ang message ko sa Messenger? Bakla ka! Importante `yon!”
“Mas importante ba iyon sa matapos ko ang novel ko?”
“Yes!”
“Sabihin mo na lang kaya dito, ano? Para mabilis.”
“Sige. Alam mo ba na viral na kayo ni Martin sa social media?”
Biglang natigilan si Jonas sa sinabi ni Summer. Kinabahan siya dahil hindi niya alam kung bakit sila magva-viral nito sa social media. Ang alam lang niya kasi, mga s*x scandals ang nagva-viral online lately. Wala naman siyang natatandaan na nag-video sila ni Martin kapag nagse-s*x sila. O baka naman lihim na kinukunan ni Martin ang ginagawa nila privately tapos kumalat iyon sa social media?!
Pinagpawisan siya ng malapot dahil sa naisip.
“Summer, gaano na ka-viral?” Kinakabahan na tanong niya.
“Hmm… As of now, may almost five thousand views, two thousand shares and three thousand comments na ang video niyo ni Martin!”
“Video?!” parang sasabog na ang ulo niya.
So, tama nga siya! Mukhang kinunan nga ni Martin ng palihim ang pagse-s*x nila!
“Yes. O, bakit ganiyan naman kalaki ang reaction mo, Jonas?”
“Help me! Kailangang ma-take down ang video namin ni Martin!”
“Take down? E, halos lahat ng comments ay positive. May nega, pero mga bitter lang siguro. Ang inspiring daw kasi ng video niyo.”
Nasapo niya ang kanyang noo. “My God, Summer! Kailan ba naging inspiring ang video ng dalawang lalaki na nagchu-chuk-chakan?! Kailan pa?!” Kaunti na lang at maghihisterikal na siya.
“Saglit nga. Feeling ko hindi mo ako naiintindihan. Anong chuk-chakan? Don’t tell me… may s*x video kayo ni Martin?! Oh my! Kailangan kong mapanood `yan!”
“What?! W-wala, ah! Ano ba kasing video ang sinasabi mo?”
“Isantabi muna natin ang s*x video na iyan. Last night kasi, isang attendant do’n sa beach resort ang vini-deohan iyong proposal ni Martin sa’yo. Then in-upload sa f*******: and boom! Nag-viral! Minessage ko sa’yo `yong link. Panoorin mo.”
Agad na tinapos ni Jonas ang usapan nila ni Summer para makita ang naturang video. Tama nga ito, sobrang viral na ng proposal video nila ni Martin. Knowing na kagabi lang ito na-upload sa f*******:. Medyo napapangiti rin siya sa mga comments na nababasa siya. Very inspiring daw. Love wins daw. At meron daw forever at sila ang patunay.
Na-good vibes siya sa mga nabasa kaya naman mas lalo siyang na-inspired na magsulat. Mamaya ay sasabihin niya ang tungkol doon kay Martin. Siguradong matutuwa ito.
NAHALATA agad ni Jonas na bad trip si Martin nang umuwi ito. Marahil ay napagod lang ito nang husto sa trabaho. Excited na siyang sabihin dito ang viral video nila. Sigurado siya na mawawala ang bad vibes sa katawan nito kapag sinabi niya iyon.
Nang umupo si Martin sa mini sofa ay tumabi siya dito.
“Asawa ko, may ipapakita ako sa’yo…” Kinuha niya ang kanyang phone at pinapanood dito ang video. “Viral na tayo at ang dami na nating nai-inspire!” Masayang sabi niya.
Ngunit tila mas lalong nalungkot si Martin.
“Iyan ang reason kung bakit ako bad trip ngayon, asawa ko,” anito.
“Ha? Bakit?” Nagtatakang tanong niya.
“Because of that video, alam na sa office na bisexual ako. Pero hindi iyon ang pino-problema ko dahil napanood din iyan ng parents ko at gusto nila ay makausap tayong dalawa!”
Doon lang na-realize ni Jonas na isang malaking mali na in-upload ng kung sino man ang video na iyon. Napangunahan kasi nito si Martin na ipaalam sa pamilya nito kung ano ito.
“I’m sorry…” sabi pa niya.
Tumingin sa kanya si Martin at hinaplos siya sa pisngi. “Don’t be sorry… Wala kang kasalanan. Nai-stress lang ako kasi galit na galit sina mommy at daddy sa akin. Wala naman akong pakialam sa mga ka-opisina ko kahit malaman nila. Sina mommy at daddy lang talaga pino-problema ko. Gusto na nila tayong makausap. Ang alam kas nila ay housemate lang tayo.”
“Kailan ba nila tayo gustong makausap?”
“Bukas na bukas din!”
Napalunok ng laway si Jonas sa sagot ni Martin. Ready na ba siya to meet Martin’s parents?