PIPINDUTIN na sana ni Martin ang door bell sa gate ng bahay ng magulang nito nang hilahin ito ni Jonas sa braso. May pagtataka na napatingin sa kanya ang nobyo habang siya ay hindi maintindihan kung natatae ba o ano.
“What?” kunot ang noo na tanong ni Martin.
Mabagal na nagpapadyak si Jonas. “E, kasi parang hindi pa ako ready na makaharap ang parents mo tapos alam na nila na couple tayo. Paano kung suntukin ako ng daddy mo. `Di ba, sabi mo sa akin noon ay may b***l `yon?” Natatakot na sabi niya.
“Jonas, natatakot din naman ako. Kaya lang, alam na nila. Umasa na lang tayo na hindi sila magagalit kahit alam na nila. Kaya natin `to. Haharapin natin ito nang magkasama.”
“P-pero paano kung tutulan nila ang pagpapakasal natin?”
“Wala na silang magagawa. Magpapakasal tayo sa ayaw nila o gusto.”
Hinawakan ni Martin ang isang kamay niya at bahagyang pinisil iyon. Alanganin na ngumiti siya dito. Kahit papaano ay naibsan ang takot at kaba na nararamdaman niya sa ginawa nito. Nag-ipon muna siya ng lakas ng loob sabay tango dito. Hudyat na handa na siya.
Pinindot na ni Martin ang door bell at isang babaeng kasambahay ang nagbukas ng gate para sa kanila. Magkahawak ng kamay na pumasok sila sa bahay nina Martin at natatarantang binitiwan niya ang kamay ng nobyo nang madatnan niyang nasa salas ang mommy at daddy nito. Muling hinablot ni Martin ang kamay niya na para bang sinasabi nito na wala siyang dapat ikatakot kahit na makita sila ng parents nito na magka-holding hands.
Walang dapat ikatakot? Talaga lang, ha?
E, parang kakainin na siya ng mommy at daddy nito nang makita ng mga ito na magkahawak sila ng kamay.
Tipikal na mukhang mayaman ang magulang ni Martin. Mataray ang mukha ng nanay nito na palaging nakaayos at pustura habang ang tatay naman nito ay parang ex-military ang tindig. Matikas at lalaking-lalaki.
“Ano pang ginagawa niyo diyan? Umupo na kayo.” Malamig na sabi ng mommy ni Martin.
Agad naman na tumalima silang dalawa. Magkatabi silang umupo sa harapan ng mga ito.
“G-good morning po, Tita Mara. Good morning po, Tito Fred…” Magalang na bati niya sa dalawa.
“`Wag mo kaming tawagin na tito at tita. Hindi ka namin pamangkin,” sagot ng daddy ni Martin.
“Okay po…” Napapahiyang napayuko na lang si Jonas.
Sa sinabi pa lang ni Fred ay alam na niya na hindi tanggap ng mga ito kung ano sila at kung ano ang meron sila ng anak nito.
“Daddy, `wag naman kayong ganiyan kay Jonas!” Protesta ni Martin.
“Martin!” saway niya dito.
“Hindi namin alam na boyfriend mo ang room mate mo, Martin.” Mahinahon pero mataray na sabi ni Mara. “ Tapos, engage na pala kayo. Alam mo bang panay ang tawag ng amiga at relatives natin dahil sa video niyo sa social media? Nakakahiya! We don’t know na may anak pala kaming bakla!”
“Kung pinapunta niyo lang kami dito para insultuhin, aalis na lang kami!”
Biglang tumayo si Martin habang siya ay naiwan na nakaupo. Tumingala siya dito at tumingin ito sa kanya. Umiling siya nang magtama ang kanilang mga mata. Muli itong umupo sa tabi niya. Hindi pa rin nito binibitawan ang kanyang kamay.
Halos manginig na sa takot si Jonas nang oras na iyon. Ganito pala talaga ang pakiramdam kapag kaharap mo na ang magulang ng papakasalan mo tapos hindi nila kayo tanggap. Parang pakiramdam niya ay maiihi na siya sa takot.
Tumikhim si Fred at mataman siyang tinignan. “Hinawaan mo ba ng kabaklaan ang anak ko?” tanong nito sa kanya.
“Sir, h-hindi po…” Nalilitong sagot niya.
“Ganito na ako bago ko nakilala si Jonas. Hindi niyo siguro naramdaman dahil busy kayo sa ibang bagay, sa business niyo,” ani Martin.
Dinuro ni Fred si Martin. “Hindi ikaw ang tinatanong ko, Martin! Nawawalan ka na ng galang sa amin! Iyan ba ang impluwensiya sa’yo ng taong katabi mo? Ang mawalan ng galang sa mga taong nagpalaki sa’yo?!”
“Ang maging totoo sa sarili ang naging impluwensiya ng taong katabi ko ngayon, daddy! Kaya kami nandito sa harapan niyo dahil nagpapakatotoo kami!”
Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang apat matapos iyon. Panay ang hinga ng malalim ng nanay ni Martin at panaka-naka ay tinitignan siya nang masama. Wala naman siyang magawa kundi ang yumuko na lamang.
“Kailan ang kasal niyo?” basag ng mommy ni Martin sa katahimikan.
“Three months from now,” sagot ni Martin.
Nalilito na tumingin siya kay Martin. Ang totoo kasi niyan ay hindi pa nila napag-uusapan ang date ng kasal after ng engagement nila. Wala pa rin naman silang masyadong ipon sa ngayon. Tapos, sasabihin ni Martin na ikakasal na sila three months from now? Ano bang sinasabi nito?
Tumango-tango si Mara. “So, may three months ka pa para magbago ng isip, Martin.”
“I am not going to change my mind, mommy. Papakasalan ko pa rin si Jonas no matter what. Mahal ko siya, siya ang umiintindi sa akin at siya ang gusto kong makasama habangbuhay hanggang sa mamatay ako.”
“Hindi tama ang gagawin niyo! Parehas kayong lalaki!” giit ni Mara.
“Wala kaming pakialam. Nagmamahalan kami.”
“Kasalanan sa Diyos ang pagiging bakla!”
“Kasalanan sa Diyos ang manghusga ng kapwa, mommy!”
“Ha! Fred! Tignan mo ang ugali ngayon ng anak mo! Napaka walang modo!”
“Kayo ang walang modo, mommy! Pumunta kaming tao dito pero anong ginagawa niyo? You’re judging us! Ngayon, kung ganito lang din naman ang magiging usapan, I’m sorry but we’ll leave!” Tinignan siya ni Martin. “Lets go, Jonas.”
Sabay silang tumayo. Siguro nga ay mas maigi na umalis na lang sila habang hindi pa masyadong umiinit ang usapan. Bago sila umalis ay magalang siyang nagpaalam sa parents ni Marin ngunit puro matatalim na tingin lang ang kanyang natanggap.
KANINA pa tinitignan ni Jonas si Martin habang nasa loob pa rin sila ng kotse nito. Bago umuwi ay dumaan muna sila sa isang fastfood restaurant para bumili ng fries at drinks. Tapos ay nag-park sila sa parking area ng isang mall. Doon nila kinain ang biniling pagkain.
Halos walang tigil sa pagkain ng fries si Martin. Kilala niya ito. Stressed ito kapag ganoon ito kumain.
“Asawa ko, okay ka lang ba?” Nag-aalalang tanong niya.
Tumingin ito sa kanya at ngumiti nang pilit. “Don’t mind me…” anito.
“Pero nagalit sa atin ang parents mo. Ayaw mo bang bumalik tayo and say sorry?”
Umiling ito. “No. Iisipin lang nila na mahina tayo. Isa pa, kilala ko sina mommy at daddy. Hindi magbabago ang isip nila.”
“What if… `wag na lang kaya nating ituloy ang kasal?” Ayaw niyang sbaihin iyon dahil masakit.
Naiinis na binitawan ni Martin ang hawak na fries at malakas na hinampas ang manibela. “Jonas naman! Ngayon mo pa talaga iyan sasabihin?! After kitang ipaglaban sa mommy at daddy ko?! Nakakapanghina ka naman, e! Ikaw na nga lang pinagkukunan ko ng lakas tapos ganiyan ka pa!” Naiiling na tumingin si Martin sa labas.
Bigla namang nakonsensiya si Jonas sa sinabi niya. “Sorry na… Iniisip ko lang naman kasi ang relasyon mo with your parents. Magulang mo pa rin kasi sila kaya dapat ay okay kayo. Sorry na. Hayaan mo, hindi na ako magsasalita ng ganoon.”
“Sorry din kung napagtaasan kita ng boses.” Inabot nito ang pisngi niya at hinaplos.
“Bati na tayo, ha?”
Tumango ito. “Oo nga pala. Kailan natin sasabihin sa parents mo ang tungkol sa kasal natin?”
Napamulagat si Martin sa sinabi nito. “Parents ko?!”
“Yes! Kailangan na nilang malaman, Jonas. Isa pa, mukhang matatanggap naman nila tayo since alam naman nila kung ano ka, `di ba?” ani Martin habang siya ay nakatulala.