CHAPTER 07

1191 Words
  “ISINAMA mo sana kaming tatlo nang nasupla namin ang mommy at daddy ni Martin! Wala silang right para tratuhin kayo ng gano’n!” Tila naha-high blood na komento ni Summer matapos ikwento ni Jonas dito at kina Benj at Dion ang nangyari nang makaharap nila ni Martin ang parents nito. Nasa isang coffee shop sila ng gabing iyon. Actually, papunta sila ngayon ni Martin sa probinsiya kung saan naroon ang magulang niya. Hinihintay lang niya ito sa naturang coffee shop dahil hindi pa ito nag-o-out sa trabaho nito. Ang plano nila ay dadaanan siya nito doon tapos diretso na sila. Dala na niya ang gamit nilang dalawa. At dahil naiinip ay pinapunta muna niya ang mga kaibigan para may makausap. Natatawang sumabat si Benj. “Ang warfreak talaga kahit kailan nitong si Summer, `no? Alam niyo, kaya ako takot na mag-out sa family ko because of that scenario. Baka masuntok ako ng tatay ko kapag sinabi ko sa kanilang bakla ako!” anito sabay inom ng kape. “Wow! Ikaw, Benj, hindi pa out?” ani Summer. “Oo naman. Discreet kaya ako!” sagot ni Benj sabay taas ng kilay. “Hiyang-hiya naman ako sa suot mong floral sando at pekpek shorts, ha!” “Bakit? Inggit ka? Magsuot ka din ng ganito!” “Hep! Enough na iyan, guys. Magkakapikunan na naman kayo, e,” awat ni Dion sa dalawa. “So, ano na ang plano niyo ni Martin?” tanong naman nito sa kanya. Tumingin siya sa malayo at umiling. “Actually, wala pa kaming konkretong plano. Basta, ngayon, uuwi kami sa amin at sasabihin sa parents ko na magpapakasal na kami. I don’t think pipigilan nila kami gaya ng parents ni Martin. Out naman ako sa amin. At may isa pa pala akong pinoproblema…” “What?” Magkakasabay na tanong ng tatlo. “Martin told his parents na ikakasal na kami three months from now! Wala iyon sa plano, guys. Yes, magpapakasal kami pero not that early. Wala pa kaming ipon o sariling bahay man lang. At kailangan naming panindigan sa parents niya ang sinabi niyang iyon.” Kumibit-balikat si Summer. “That’s not a problem. Mag-aambag kami para matuloy lang ang kasal niyo three months from now.” Tinignan nila si Summer na para bang tinatanong nila kung seryoso ba ito sa sinabi nito. Itinaas nito ang dalawang kamay. “I am not joking here, guys! I’m serious!” “Okay, seryoso nga siya!” ani Dion. “I’m in!” Very dramatic pa na inilagay nito ang kamay sa ibabaw ng table. “Gora din ako diyan!” Ipinatong ni Benj ang kamay nito sa ibabaw ng kamay ni Dion. Si Summer naman ang sumunod na nagpatong ng kamay. “Push na natin! Para sa kasalang Jonas Ocampo and Martin Uytinco!” Energetic na sigaw pa nito. Maluha-luha naman si Jonas dahil sa sinabi ng kanyang mga kaibigan. Hindi niya tuloy alam kung paano magpapasalamat sa mga ito. Ilang sandali lang ay dumating na si Martin para sunduin siya. Dala nito ang kotse nito dahil baka daw mahirapan sila kung magko-commute sila. Nag-file na rin daw ito ng one-weel vacation leave at naaprubahan naman daw agad iyon. Baka daw kasi mapasarap ang pagpunta nila sa probinsiya ay matuloy na rin iyon sa bakasyon. “Ingat kayo sa biyahe, ha!” Bilin pa ni Summer bago sila umalis.   ALA-SINGKO na ng umaga nang marating nina Jonas at Martin ang bahay ng magulang ng una. Inihinto ni Martin ang kotse nito sa harap ng gate ng bahay nila. Nakita naman agad ni Jonas ang nanay niya na nag-wawalis sa harapn ng kanilang bahay. Napahinto pa nga ito nang makita nito ang paghinto ng kotse ni Martin. Nauna na siyang bumaba sa sasakyan at ganoon na lang ang laki ng ngiti ng nanay niya nang makita siya. Nagmamadali nitong binuksan ang gate para makapasok siya. Agad siyang niyakap ng nanay niya. “Bakit hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka, anak?” tanong nito matapos siyang yakapin. “Nanay, hindi na surprise kung sasabihin ko, `di ba?” Pagbibiro niya. “Ikaw talaga! Naku, matutuwa ang mga kapatid mo. Miss na miss ka na nila, e!” “Miss na miss ko na rin po sila. Siyempre pati na ikaw saka ang tatay!” “Teka, kailan ka pa nagkaroon ng kotse? Nabili mo ba iyan dahil sa pagsusulat mo?” Umiling siya. “Hindi po sa akin `yan…” aniya. “Oo nga pala, may kasama ako.” “Kasama? Sino?” Tumingin siya sa may sasakyan ni Martin. Alam niyang nakikita siya nito kaya naman tumango siya. Maya maya ay bumaba na si Martin at lumapit sa kanila. Magalang itong nagmano sa kanyang nanay. “Sa kanya po ang kotse na iyon, nanay. Siya po si Martin Uytinco… S-siya po ang aking…” Ibinitin niya ang kanyang sasabihin. Oo, alam ng nanay niya na bakla siya pero parang hindi niya kayang sabihin dito na ikakasal na siya sa isang lalaki. Nakanganga naman ang nanay niya. Tila hinihintay nito ang kasunod na sasabihin niya. “Siya ang ano mo, anak?” Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanya at kay Martin. “Siya po ang…” Napahinto na naman siya. `Wag na lang niya kayang sabihin. Nagulat na lang si Jonas nang biglang hawakan ni Martin ang kamay niya. “Ako po ang fiancee ni Jonas. Magpapakasal na po kami tatlong buwan mula ngayon!” Confident at talagang nakangiting sabi nito sa nanay niya. Siya naman ay biglang nanlamig at kinabahan sa magiging reaksyon ng nanay niya. Isang mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan nilang tatlo. Nang tila mahimasmasan ang nanay niya ay ngumiti ito sa kanilang dalawa. Hindi pilit na ngiti kundi totoo. “Mas makakabuti siguro kung pumasok na tayo at sa loob na tayo mag-usap…” Nagpatiuna na ito sa pagpasok. Tinignan niya si Martin na para bang pinapagalitan niya ito. Kumibit-balikat lang ito at pa-cute na ngumiti at kumindat sa kanya.   SUMAN na gawa sa saging, puto, pancit bihon at mainit na kape ang inihain ng nanay ni Jonas para sa agahan. Kasama nila ni Martin ang buong pamilya niya sa hapag kainan. Ang Nanay Janice niya, Tatay Simon at ang dalawa niyang kapatid na babae na sina Jenny at Sally. Mas bata ang dalawa sa kanya. Sixteen years old si Jenny habang nineteen naman si Sally. “Totoo ba ang sinabi ng nanay mo na ikakasal ka na, Jonas?” Mahinahong tanong ng tatay niya. Natigilan si Jonas sa pagsubo ng pancit. Ibinalik muna niya ang tinidor sa gilid ng pinggan. “O-opo.” Matipid niyang sagot. “Talaga, kuya? Ikakasal ka na? Ibig sabihin ay naging lalaki ka na?” Excited na tanong ni Jenny. “Nasaan ang babaeng papakasalan mo, kuya? For sure, maganda siya!” dugtong naman ni Sally. “Jenny, Sally… `wag kayong makisali. Kumain na lang kayo diyan,” saway ng nanay niya sa kanyang mga kapatid. “At si Martin ang papakasalan mo?” turan pa ng tatay niya. Nakita niya na nagulat ang dalawa niyang kapatid. Nauunwaan naman niya ang reaksiyon ng mga ito. Bata pa ang dalawa at hindi pa masyadong maiintindihan ng mga ito ang nangyayari. Napalunok siya sabay tango. “Actually, hindi naman po siya kasal talaga dahil hindi pa legal ang same-s*x marrigae dito sa Pilipinas. Holy Union po ang tawag doon.” Tumango-tango ang tatay niya. Wala siyang makitang pagtutol dito. “Holy Union pala…” “Pero after po no’n, pwede naman po kaming magpakasal sa ibang bansa para maging legal na talaga ang aming pagsasama,” ani Martin. Gulat na gulat si Jonas sa sinabing iyon ni Martin. Hindi niya kasi alam na may plano itong magpakasal sila sa ibang bansa. Nanlalaki ang mga mata na tinignan niya ito. Talagang nagugulat na lang siya sa mga sinasabi at plano nito dahil wala siyang kaalam-alam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD