Ang kahapon
"Sabrina! Dapa!" Malakas na sigaw ni Calix ang kaibigan nito. At sunod-sunod na malalakas na put0k ng b@ril ang umalingawngaw.
Agad na dumapa si Sabrina. Ngunit nanginginig ang kanyang kalamnan dahil sa takot nang mga panahon na 'yon at hindi rin niya alam ang kanyang gagawin.
Hanggang sa makita nito si Calix na unti-unting papalapit sa kanya ng gumagapang.
"Ca-Calix, na-tatakot ako." Saad pa ng dalaga na nanginginig ang katawan pati na rin ang boses nito sa takot.
"Don't worry, dahil nandito lang ako. Hinding-hindi kita pababayaan." Mabilis naman na saad ng binata.
"Halikana!" muli pang saad ng binata at hinawakan nito ng mahigpit ang isang kamay ng dalaga sabay silang tumayo.
Upang makalayo sa humahabol sa kanila at mailigaw ang mga ito ay Sumuong sila sa matataas na talahib ng damo. Dahil bukod sa plat na ang gulong ng kanilang sasakyan ay wala silang ibang pagpipilian.
Mabilis silang kumilos at tumakbo palayo.
"Pagod na ako. Hindi ko na kaya." Saad pa ng dalaga na hingal na hingal na sa kakatakbo.
"Hindi, kaya mo pa at kakayanin." Aniya naman ni Calix.
"Sino ba sila? Sino ang mga tao na 'yon? Bakit nila tayo hinahabol?" Taka at takot na tanong ng dalaga.
"Saka ko na lang ipapaliwang ang lahat sa 'yo. Kapag nakalayo na tayo sa kanila." Agad naman na sagot ng binata.
"Ang mabuti pa ay umalis na tayo rito." Dugtong pa ni Calix.
Muling hinawakan ng mahigpit ni Calix ang Isang kamay ng dalaga at muli na naman silang tumakbo palayo. Kung kaya walang nagawa si Sabrina kung hindi ang tumakbo at sumunod na lamang.
Pagdating nila sa dulo ay laking gulat nila nang makita ang bangin.
"Calix, ano'ng gagawin natin? Ayoko pang mamatay." Agad na saad ni Sabrina kita sa mukha nito ang takot at pag-aalala.
"Huwag mong sabihin 'yan. Dahil hinding-hindi ako papayag na may masamang mangyari sa 'yo."
"Kung gano'n ano'ng gagawin natin? Tatalon ba tayo dyan?"
"Hindi, " mabilis na sagot ni Calix at mabilis nitong hinawan ang isang kamay ng dalaga at hinila iyon saka muli na naman silang naglakad at muling sumuong sa matataas na talahib.
Hanggang sa makarating sila sa malalaki at matataas na puno. Nag-aagaw na rin ang liwanag at diliw noong mga panahon na 'yon.
"Pagod na talaga ako. Hindi ko na kaya. Ang mabuti pa ay magpahinga na muna tayo. " Pakiusap pa nito.
"Wala na tayong dapat sayangin na sandali, Sabrina. At sigurado akong malapit na tayo sa daan." Saad pa ni Calix.
"Pero. Hindi ko na talaga kaya pang maglakad."
Bahagyang ibinababa ni Calix ang kanyang balikat. At tinalikuran ang dalaga.
"Ang mabuti pa ay bumala ka na lang sa likod ko."
Sinunod na lamang ni Sabrina ang sinabi ng kaibigan nito at kumalambitin nga siya sa likod ni Calix.
Pagod at hirap man sa paglalakad si Calix ay wala siyang magawa. Dahil hindi niya hahayaang may mangyaring masama sa babaeng pinakamamahal niya.
Tagaktak ang pawis niya nang makarating sila kalsada.
"Andito na tayo sa kalsada. Mukhang ligtas na tayo!" Natutuwang saad ng dalaga at agad itong bumaba mula sa likod ni Calix.
"Dapat may dumaan ng sasakyan. Para makaalis na tayo rito." Wika ni Calix na kita sa mukha ang pag-aalala.
Ngunit Isang put0k ng b@ril muli ang umalingawngaw kung kaya tumakbo muli sila Calix at Sabrina sa kalsada.
"Ang mabuti pa ay tumakbo ka ng matulin at huwag na huwag ka ng babalik pa rito. Iligtas mo ang sarili mo. Maliwanag?" Utos ni Calix na titig na titig sa mukha ng dalaga.
"Hindi! Hindi kita iiwan, Calix. Aalis akong kasama."
"Patawarin mo ako, Sabrina. Pero hinding-hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa 'yo. Pipigilan ko sila sa abot ng aking makakaya."
"Ayoko! Hindi ako papayag. Huwag mong gawin 'to." Pagmamatigas ni Sabrina at tumulo ang mga luha nito.
"Sabrina, mahal kita." Aniya pa ni Calix at bahagyan nitong hinawakan ang pisngi ng dalaga.
Nagtakang napatingin si Sabrina sa mukha ni Calix dahil sa sinaad nito.
"Ano ba 'yang sinabi mo? Mahal na mahal din kita, Calix. Bilang matalik na kaibigan ko. Kaya ang mabuti pa ay umalis na tayo rito."
Maya maya pa ay nakita nila ang paparating na sasakyan. Kung kaya agad nila 'yong pinara at hinarang.
Mabilis namang huminto ang sasakyan at bumukas ang pintuan.
"Umalis na kayo ngayon din!" Sigaw pa ni Calix at mabilis na isinira ang pintuan ng sasakyan.
"Calix! Huwag mong gawin 'to!" Sumisigaw na saad ni Sabrina habang tumutulo ang mga mga luha nito. At nasa loob na siya ng sasakyan.
Isang matamis na ngiti lang ang ipinukol ni Calix sa mga mata ni Sabrina. At muli na namang narinig ng dalaga ang malalakas na put0k ng b@ril.
"Calix! Calix.... Calix...!" Sigaw ni Sabrina na walang nagawa. At matulin na um-andar ang sinasakyan nito.
⬇️Chapter One⬇️
"CALIX!" Malakas na sigaw ni Sabrina na nagising mula sa pagkakatulog nito at pinagpapawisan 'to ng husto. Habang hinihingal siya at basa ang talukap ng kanyang mata.
"Sab, na naginip ka na naman at mukhang binabangungot ka. Okay ka lang ba?" Tanong pa ni Jennifer ang kaibigan nito na kita sa mukha ang pag-aalala.
"Okay lang ako. Iinum lang ako ng tubig." Sagot ng dalaga at agad 'tong bumangon mula sa kama saka mabilis na naglakad patungo sa kusina. Mabilis din nitong pinahid ang likido sa kanyang mga mata.
Agad na kumuha ng pitchel ang dalaga sa loob ng ref at nagsalin ng tubig sa kanyang baso. Saka mabilis na tinungga ang tubig sa baso.
Pagkatapos ay kumuha 'to ng isang stick na sigarilyo at lighter sa taas ng ref. Saka mabilis na lumabas ng bahay at nagpahangin.
Agad niyang sinindihan ang isang stick ng sigarilyo at hinithit 'yon. Saka mabilis na nagbuga ng usok.
"Isang taon na rin ang nakakalipas mula nang mangyari iyon at hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita tungkol kay Calix. Hanggang ngayon pakiramdam ko ay sariwa pa rin. Nasaan ka na ba, Calix?" Tanong pa ni Sabrina sa kanyang sarili at huminga ito ng malalim habang bagsak ang balikat nito.