"Hindi ba't sinabi ko sa 'yo! Huwag na huwag kang magpapasok ng kahit na sino rito sa bahay." Nag-aalalang saad ni Jennifer.
"Pu-Pulubi lang siya, nanghihingi ng tinapay wala kasi akong limang piso. Kaya pinapasok ko na lang dito sa loob para pakainin sana. Kaso lang ayaw niyang kumain tubig na lang daw." Paliwanag naman ni Sabrina.
"Kahit pa! Hindi mo alam kung ano ang nasa isip niya. Isa pa ay lalaki siya, wala kang laban kung sakaling gawan ka niya ng hindi maganda. Alam kong maawain ka, Sab. Pero lagi mong iisipin ang sarili mo at mga posibilidad." Agad naman na saad ni Jennifer.
Hindi na lamang nagsalita si Sabrina at iniba ang usapan.
"Bakit nga pala andito ka? Hindi ba't may pasok ka?"
"Andito ako para kumuha ng uniform. Hindi kasi ako naka uniform dahil sabado naman. Ang kaso biglang umuwi na ng Pinas ang may ari ng pinagtatrabahuan ko at baka biglang bumisita. Kaya pinag-uniform kami." Sagot ni Jennifer.
"Gano'n ba? Ang mabuti pa ay magpalit ka na ng damit mo. Baka ma late ka pa." Agad naman na saad ni Sabrina.
"Oh, sige. Maiwan na muna kita."
Bago umalis ng bahay si Jennifer ay muli itong nagbilin sa kanyang kaibigan.
"Iyong bilin ko sa 'yo. Huwag na huwag kang magpapasok ng kahit na sino. Kahit pulubi pa siya."
"Oo, huwag kang mag-alala." Wika na lang ni Sabrina.
"Mag-ingat ka rito. Huwag kang mag-alala. Kapag hiring kami ire-recommend kita agad. Para sabay na tayong papasok at mabantayan kita." Aniya pa ni Jen.
"Okay, ingat ka rin." Wika naman Sabrina at gaya ng sinabi sa kanya ng kanyang kaibigan ay muli nitong pinad-lock ang gate. Habang palingon-lingon siya sa paligilid.
"Saan kaya napunta ang pulubi na iyon? Kawawa naman siya." Aniya pa nito sa kanyang sarili.
Hindi pa nakontento si Sabrina at kumuha ito ng bottled water at inilagay niya sa harapan ng kanilang gate.
"Kawawa naman siya, baka hindi pa siya nakainom ng tubig. Baka bumalik pa siya." Aniya pa nito na nag-aalala sa pulubi.
"Boss, mukhang mabait po siya. At hinahanap ka niya." Aniya ng tauhan ni Caleb na nasa loob ng tinted ng sasakyan nakatuon din ang pansin sa dalaga.
"Ano'ng mabait? Eh, lahat naman ng tao ay kayang gawin ang ginagawa niya. Isa pa hindi ko kailangan ng opinyo mo!" Masungit na saad ni Caleb.
"Pasinsya na po, boss." Paumanhin ng tauhan nito na nahimik na lang.
"Andyan na naman iyong tinted na sasakyan? At talagang dito pa nag-park sa harapan ng bahay namin, ah? Sino kaya ang mga iyan?" Tanong na lang ni Sabrina na sa kanyang isipan.
Hanggang sa naagaw ang kanyang pansin dahil sa cellphone na nag ring mula sa lamesa.
"Sab, Kumusta ka dyan?" Tanong ni Jennifer sa kabilang linya.
"O-Okay naman. Napatawag ka? May problema?" Sagot at balik na tanong Sabrina.
"Tsine-check lang kita kung okay ka?"
"Huwag kang mag-alala. Okay lang ako."
"Wala ka bang napansin na kakaiba dyan?" Muli pang tanong ni Jennifer.
"Ah, wala naman." Mabilis na sagot ni Sab habang nakatingin ito sa tinted na sasakyan. At hindi na rin binanggit pa ang tinted na sasakyan. Sapagkat ayaw niyang mag-alala ang kaibigan.
"Mabuti kung gano'n. Tawagan mo ako. Kapag may nakita kang kakaiba o kahina-hinala dyan." Bilin pa ni Jen.
"Noted." Mabilis na saad ni Sabrina at naputol na ang linya.
"Nakuha mo ba lahat ng impormasyon tungkol sa kanya?" Tanong pa ni Caleb.
"Opo, boss. Ito po ang lahat." Sagot ng kanyang tauhan at iniabot ang document.
"Sabrina pala ang pangalan niya. Paano niya kaya nakilala ang kapatid ko?" Tanong nito na napapaisip.
"Hindi ko rin po alam, boss. Pero ayon sa nakuha naming impormasyon ay galing siya sa bahay ampunan." Sagot pa ng tauhan nito.
"Ampunan?" Napakunot noong tanong ni Caleb.
"Opo, boss. Kaya siguro pinapasok ka niya agad sa bahay nila. Kasi alam niya ang pakiramdam ng walang pagkain at mapupuntahan." Wika pa ng tauhan nito.
"Ayokong marinig ang mga sasabihin mo. At tumahimik ka na!" Galit na saad nito.
"Opo, boss. Akala ko kasi gusto niyong malaman, eh. Dahilan na lang ng tauhan nito."
"Shut up!"
Hindi na lamang nagsalita ang ang tauhan nito. Dahil alam niyang nagagalit na ang amo.
"Umuwi na tayo. Gusto ko na munang magpahinga." Utos pa ni Caleb.
Agad na nagmaneho ang tauhan nito paalis.
Samantalang may kausap si Martha sa cellphone nito.
"Ano? Babae?" Tanong ni Martha sa kausap nito na nagtataka at napapaisip.
"Opo, madam. Isang babae po ang pinuntahan ni Mr. De Luca dito.
"Kunin mo ang lahat ng datus tungkol sa babae na iyan. Dahil gusto kong malaman kung bakit siya pinuntahan ni Caleb."
"Masusunod po, Madam." Aniya naman ng kausap nitong lalaki na inutusan niyang mag man man kay Caleb.
"Tatawagan na lang kita kung saan tayo magkikigta bukas." Ani naman ni Martha. At pinutol na ang linya.
"Caleb? Bakit kumikilos ka ng hindi ko alam. At ano ang ginagawa mo? Bakit kinailangan mo pang magpanggap na pulubi?" Mga tanong sa isip ni Mrs. Martha.
Hapon na ng makauwi si Caleb sa rancho.
"Ma-Mang? Ano pong ginagawa niyo rito?" Takang tanong ni Caleb nang makita ang Ina nito.
"Nagulat ka ba? Well, dahil hindi ka sumunod sa kagustuhan ko. Sinundan na lang kita rito. Kanina pa nakarating di ba? Bakit ngayon ka lang?" Agad na tanong ni Mrs. De Luca.
"Nag check in ako sa hotel. Alam niyo naman dito sa Pilipinas sobrang init. Kaya namalagi muna ako sa hotel." Pagsisinungaling nito.
"Okay, akala ko ay may pinuntahan ka. Siya nga pala. Bukas ay may pupuntahan ako at kakausapin. Gusto mong sumama?" Alok ni Mrs. De Luca.
"No, Mom. May ibang lakad din ako." Agad na tanggi at pagsisinungaling ni Caleb sa kanyang ina.
"Mom, make sure na mag sama kayo ng mga tauhan natin. Gusto kong makasiguradong safe kayo palagi." Dugtong pa ni Caleb.
"Don't worry, anak. Kilala mo naman ako palagi akong may kasamang tauhan. Dahil hindi ako umaalis ng walang kasama. Unlike you, kung hindi mo pagbabantaan ang mga tauhan ko. Tinatakasan mo sila."
"Mom, don't worry about me. Kaya ko ang sarili ko. Kahit mag-isa lang ako. Saka matanda na ako. Mag shower lang po ako." Paalam pa ni Caleb at iniwan na nito ang kanyang ina.