CHAPTER 6

796 Words
"haha..Kung ang boyfriend nga naaagaw, ang asawa pa kayang nakatali? Mas madali nga kapag ganun ee.."  ~Alexis Kaaalis lang ng malanding babaing iyon pero hanggang ngayon yung mga salitang iyon parin ang nageecho sa isip ko. Nanatili akong nakatayo at pinakakalma ang sarili. Nang bigla kong maramdaman na may yumakap sakin. "Kelly, honey ko.. kanina pa kita tinatawag ah, pero parang wala kang naririnig. May problema ba?" sabi ni Paulo. Pinigilan kong pumatak ang mga luha ko dahil ayokong mag-alala pa sya. "Problema? Wala ah... basta kasama ko kayo ni Jared lahat ng problema ko kaya kong harapin" LIAR! ang totoo, malaki ang problema ko. "Ang sweet naman ng honey ko" tapos hinarap nya ko sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng pagmamahal nya. Ngumiti sya sabay tingin sa mga mata ko. "Iyan, iyan ang mga matang minahal ko noon at ngayon. Pangako ko iyan lang din ang titingnan ko habang buhay" putol nya at hinawakan ang labi ko sabay hinalikan ito. "At ito naman ang labing di ko pagsasawaang halikan kailanman" dagdag pa ni Paulo. "Basta Paulo, promise mo ako lang ha? at walang iba. Kahit pa mas marami pang magagandang babae ang rumampa sa harapan mo ako lang titingnan mo. Lalo na yung si Alexis! I don't like her. She's annoying. Tinulak nya ko kanina pero slight lang naman pero kahit na, ramdam ko type ka nun eh.. kay please layuan mo sya honey" sabi ko pero ngiti lang sinagot nya sakin. "Honey ko, kahit pa maghubad yun sa harapan ko noh! Hinding hindi ko papatusin yun ^_^" natawa nalang ako sa sinabi nya. "Oh, sya tama na ang drama honey. Susunduin pa natin si Jared kanila Mommy and I'm warning you, galit sila sayo kaya better prepare an explanation ngayon palang especially to Daddy." sabi ko. Di naman sa tinatakot ko sya pero grabe talaga magalit si Dad at alam naman nya yun. ^sa bahay ng mga Araneta... "Daddy! nandito na sila Kelly!" sigaw ni Kuya "Pasok kayo. Lagot ka ngayon brad ^_^" panakot pa ni kuya Chris kay Paulo. Natawa nalang kami parang bata lang kasi. "Wag kang matakot kay Dad, magpaliwanag ka nalang" sabi ko sakanya kasi halatang natense sya. "Ha? takot? hindi ah.." sabi nya natawa naman ako. "pfftt.. hahahah" "Oh? bakit ka natawa jan?" tanong nya "Hahaha.. e, panu kase sabi mo hindi ka natatakot pero pinagpapawisan ka na jan ng sobra" natatawa ko paring sabi "ewan sayo honey.. pinagtitripan mo nalang ako" tapos umayos na sya ng upo. Inabutan naman sya ng coffee ni Mommy at umupo sa tabi ko kalong si Jared. "Ehemm..." si Dad yan.. "Da-dad!" sabi ni Paulo na pabulol bulol "I'm so disappointed with you Paulo. Me and my family trusted you because we known you since you were just a kid. Pero bakit nakuha mo pang maghanap ng babae? Bakit ngayon pa kung kelan may anak na kayo ni Kelly?" "Dad, nakapagexplain na po ako kay Kelly at it's just a mere misunderstanding. Pero kung gusto nyo po uulitin ko po ang explanation ko. Kasi nga po--" "No, no need. Anak, okay na ba kayo nitong si Paulo? If hindi, natawagan ko na yung abogado natin para maayos na ang annulment at parental custody ni Jared. Pero don't worry sisiguraduhin kong satin mapupunta ang anak mo." annulment? parental custody? Jusko.. ang OA ng Daddy ko nakatawag agad? Kahit si Mommy namilog ang mata sa sinabi ni Dad. Si Paulo naman namutla at si Kuya halos mabuga yung kinakain nyang cheese cake. "A-annulment Dad?" sabi ni Paulo pero di sya pinansin ni Daddy "Kelly, anak.. ano na?" tumingin lang ako kay Dad at hinawakan ang kamay nya. "Dad, thank you po sa pag - aayos ng papers about annulment and parental custody na yan pero hindi na po kailangan. Okay na po kami ni Paulo" tapos tumingin at ngumiti ako kay Paulo. "Sure ka ba?" tanong ni Dad "Love?!!" saway ni Mommy "Naninigurado lang!"sagot ni Dad tapos tumingin samin ni Paulo "At tska Dad! Ang OA mo talaga kahit kelan.. hahaha" sabi ko at nagtawanan nalang kami "Oh, sya tara na sa kusina at kumain na tayo. Nagluto ako ng Paella" sabi ni Mommy. Nagsitayuan na kami lahat. Nauna sila kuya kasama si Jared sa loob habang kami ni Paulo ay naiwan sa sala. "Grabe akala ko talaga paghihiwalayin na tayo ng Dad mo" sabi ni Paulo "Aba, hinding hindi mangyayari yun lalo na at alam kong maraming nagaabang na masira tayo" sabi ko tapos niyakap sya. Bumulong naman si Paulo sakin... "promise natakot ako dun... at kapag nangyari yun, kahit buong buhay akong magsilbi sa Daddy mo ibalik ka lang nya sakin gagawin ko.. ganyan kita kamahal Kelly... Ikaw lang talaga.. mahal na mahal kita"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD