Okay.. so let this oplan started! I'm here, in front of their house. Nakatayo lang ako, anu bang gagawin ko? Panu ko sisimulan ang panggugulo ko sa married life nila. hahaha!!!
"Excuse me?" biglang may nagsalita sa likod ko kaya napatingin ako. Napataas naman ang kilay nya nung humarap ako, lalo na nung tinanggal ko shades ko.
"I-ikaw?" sabi nya. Teka sino ba to?
"Huh? sino ka ba?"
"Ako lang naman ang asawa ni Paulo" oh, so.. hahaha maganda sya pero mas maganda ako.
"Oh, i see... nasa loob ba si Paulo? we need to talk e"
"Sakin mo nalang sabihin.."
"No! I want him. Would you mind if I go inside." it's not a question but rather a command.
"Teka--" di ko na sya pinatapos at pumasok ako sa loob ng bahay nila.
Hmm.. I may say na maganda ang bahay nila. Pero mas gaganda ito kung ako ang reyna dito. Tiningnan ko ang wedding picture nila sa wall.. dalawa yung isa parang batang bata pa sila, yung isa naman okay lang at mukhang masaya. Tapos napansin ko yung family picture nila. Si Paulo tapos may bata around 3 years old, baka anak nila tapos yung asawa nya.
"Ehemm!!!" tapos nakita ko sya nakapamewang. Napasmirk nalang ako sa itsura nya.
"Ano bang kailangan mo? May ginagawa ang ASAWA KO!?"
"I can wait" sabi ko with pang aasar look
"adsfdkdjfh" did she curse me?
"what?!" i said with annoyance
"walasabikofeelathome!" sabi nya without breaking her breath
"whatever?!" tapos nilibot ko ulit yung mata ko sa bahay nila hanggang sa may bumaba sa hagdaan isang magandang lalaki.. sino pa ba? Si Paulo!
"Paulo!" napatayo ako with excitement pa
"Oh, honey ko.. may bisita pala? Ah.. hi Ms. Vera" sabi nya.. duh.. HONEY??
"Ha? anu.. haha.. tatawagin na nga kita e" sabi ni Kelly.. AS IF!
"Hi Paulo" interrupt ko sa kanila
"Bakit ka naligaw dito Ms. Vera"
"Nakaformal naman nito.. Alexis nalang"
"Ok Alexis.. what can I do?" CAN YOU LOVE ME? Gusto kong sabihin
"Ah nothing much... pinapasabi lang ni Dad na may meeting kayo sa monday afternoon"
"Pwede namang itawag?!" sabat ni Kelly
"Kelly?!" saway ni Paulo
"Ah.. on the way kasi ako nung tumawag si Dad.. kaya I dropped by na"
"Ganun ba? Aalis kasi kami ng asawa ko, susunduin namin si Jared, yung anak namin"
"Ha? ah.. wag kang mag -alala aalis na din ako" sabi ko sabay dampot sa pouch ko "see you around *tsup* " tapos hinalikan ko sya sa cheeks habang nakatingin kay Kelly. Kung nakikitanyo lang itsura nya. hahaha!!!
"Bye, Kelly.." sabi ko tapos lumabas na ko ng bahay nila.
Sasakay nalang ako ng kotse ko nang biglang may humatak sa braso ko, causing para maout balance ako.
"Ano ba?!!" sigaw ko kay Kelly
"Anong pinaplano mo?!"
"Bakit ko sasabihin my dear?" smirk
"Eto lang sasabihin ko sayo, kung anu man yang binabalak mo... walang mangyayari yan. Masyado naming mahal ang isa't isa. Marami na kaming pinagdaanan at--"
"haha.."tapos umiling iling ako. "Kung ang boyfriend nga naaagaw, ang asawa pa kayang nakatali? Mas madali nga kapag ganun ee.." tapos tinulak ko sya.
Iniwan ko sya dung nakatayo at nanggagalaiti sa galit. Sige lang Kelly, ienjoy mo lang.. haha bukas ako na ang nasa katayuan mo.. Ako, si jared at si Paulo.. habang ikaw parang isang lobo na mawawala sa sariling party mo..