Kelly's POV Kasalukuyan akong naghuhugas ng aming pinagkainan. Umaga ngayon kaya naisipan kong magluto kanina ng egg rolls at pancake with maple syrup para sa mga bata at beef tapa with fried rice naman para samin ni Paulo. Napangiti ako, para kaming isang buong pamilya. "Hala Dada! Wag mo ko basain! Ugh! Kainis ka naman e! Magagalit si mommy!" dinig kong reklamo ni Jared sa kay Paulo. Nakangiti akong umiiling habang pinagpatuloy ko ang aking ginagawa. Nagagalak ang puso ko sa araw -araw. Parang dati ay pinangarap ko lamang to. Di ko lubos maisip na mangyayari talaga ito. The thought of this scenario makes me cry. I wipe my tears to continue my business. Naramdaman ko na lang na may humihila sa laylayan ng suot kong white t-shirt. Napatingin ako dito at nakita ko ang isang munting anghel

