THIRD POV Nakakabingi. Nakakabinging katahimikan ang bumabalot sa loob ng isang coffeeshop. Tahimik na magkakaharap ang apat na magkakaibigan. Tila walang gustong mag-umpisang magsalita. Hanggang sa hindi na nakatiis si Paulo, tumayo ito at nagpunta sa counter para bumili ng kape nilang apat. Tahimik namang pinagmasdan ito ni Kelly sabay tingin sa dalawang kaibigan nyang hindi nag-iimikan. Sayang, nasayang ang lahat. Alam nya sa sariling galit sya kay Johan dahil sa ginawa nito sa kanyang bestfriend na si Mia. Hindi nya lubos maisip na ginawa nya ito. Ngunit sa kabila nito, naaawa sya rito. Alam nyang mahal na mahal nito ang asawa kaya nakagawa sya ng ganitong kasalanan, pero sadyang mali lang ang napili nyang paraan. Sa kabilang dako naman, halo-halong emosyon ang nararamdaman ni Johan

