KELLY'S POV Successful ang naging operasyon ni Anya, at nailipat na din sya sa ICU para maobserbahan pa dahil masyadong sensitive ang kalagayan nya kahit pa naging maayos ang operasyon. Kasalukuyan akong naglalakad papuntang ICU nang makita ko si Mia na naglalakad pabalik balik sa tapat ng ICU at halatang may tinatawagan. Kagat kagat pa nya ang kanyang daliri habang tensyonadong hinihintay na sagutin ng kung sino man ang kanyang tawag. "Damn it! Answer it!" iritado nyang sabi. Ni hindi nga nya napansin na nakalapit na ako sa kanya. "Huy, bes!" gulat ko sa kanya. Napamura pa sya sa gulat at agad pinulot ang nalaglag nyang cellphone sa lapag. "Bakit ka ba nanggugulat ha, Kelly?!" nanlalaki nyang sabi habang naiinis. Umirap naman ako dito at naupo sa waiting bench ng ICU. "Babae ka!" si

