Mia's POV: Tahimik kong pinagmamasdan ang aking anak na ngayon ay halos hindi ko na makilala pa. Sobrang bata pa nya para maranasan ang ganitong bagay. Parang pinipiga ang puso ko tuwing nakikita ko syang nasasaktan sa bawat turok sa kanya ng kanyang doktor. Sa bawat chemotherapy nya na lalo yatang nakakapagpahina sa kanya. "Mrs. Lim" napalingon ako kay Dr. Buenafe "We need to perform the operation as soon as possible" lalong nagsipatakan ang mga luha ko "H-hindi na po ba makuha sa kanyang mga gamot?" binigyan ako ng isang malungkot na tingin ni Dr. Buenafe "Hindi na ina-absorb ng kanyang katawan ang mga gamot na binibigay namin. Ang nag-iisang solusyon na lang talaga ay ang ma-operahan na ang inyong anak. Dahil kung magtatagal na pa ito, hindi na nya kakayanin pa at maaari nya na iton

