PAULO'S ... Kanina pa ako pabalik-balik sa labas ng ER. Di ko alam kung anong gagawin ko kapag may nangyaring masama sa dalawang taong napaka importante sa buhay ko. Parehong nasa binggit ng kamatayan sina daddy at Kelly. Sabay silang lumalaban sa buhay nila. "A-anak..." agad naman akong napalingon kay mommy na ngayon ko lang nakitang umiyak. "maupo ka muna. May awa ang diyos, pareho silang mabubuhay. Manalig lang tayo. Manalig ka lang." napatango ako kay mommy at umupo sa tabi nya. Hinawakan ko ang kamay nya at sinabayan sya sa pag dadasal. "Asawa mo ba si Kelly?" napaangat ako ng tingin. Nasa harapan ko ngayon ang attending doctor ni Kelly "A-ako nga po. Kumusta po ang lagay nya?" panandaliang napatitig sakin ang doctor "o-okay na po ba ang asawa ko?" "I'm sorry." Nanglambot ang ak

