Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala sa sinabi sakin ni Jared. Si Paulo, matagal na kaming hindi nagkikita... paano nalang kung nakita nya si Jared, makilala nya kaya ang anak nya? Hanapin nya kaya ako? Nakakainis! Dapat hindi ko iniisip ang mga bagay na yun. Ang dapat kong isipin ay ang trabaho ko dito. Right after na matapos ako sa gawain ko dito, babalik na agad kami sa Paris... dahil nandoon na ang buhay namin, ang buhay ko.
"It seems that you're not listening.." natauhan ako dahil sa tanong ni Robert. Nakatitig sya sakin at mukhang kanina pa sya salita ng salita.
"Ahhmm... sorry, what's that again?" sabi ko habang tinusok-tusok yung carbonara na niluto nya.
"Nothing.." yun lang ang sabi nya tapos umiwas ng tingin. Nakakahiya sakanya, lagi syang nanjan para sa pamilya ko, para samin ni Jared. "Hmm.. Can I ask you a question?" napataas naman ang kilay ko at nagnod para sabihing ok lang. "Do you s-still love h-him?" nag-aalangan nyang tanong.
"Who? My Ex-husband?"
"Yeah... Because you keep on thinking about him" sabi nya. Iniisip? The f*** hindi ko iniisip ang taong yun!
"WHAT?! No I'm not. And I'll never be." nakakawala ng gana ang ganito. Tumayo ako at naglakad papunta sa kwarto ko nang pigilan nya ako.
"Where are you going? Don't run with your feelings."
"I'm not running Rob, I'm just tired. Good night."
Hindi ko napansin na unti unti na pala akong umiiyak. Hindi ko alam kung bakit, basta nalang sila nagbagsakan. Hindi naman talaga ako tumatakbo. Mas gusto ko ngang tumigil na lang at harapin sya. Pero kasi, kung titigil ako para lingunin sya, baka di ko mapigil ang sarili ko't mahalin ulit sya.
Napakabait sakin ni Robert. Kaya nga, lagi kong tinatanga ang sarili ko kung bakit ba hindi ko sya magawang mahalin tulad ng pagmamahal ko kay Paulo. Matagal na syang nanliligaw, pero bakit nakalock parin ang puso ko at nag-aantay mabuksan ng nag-iisang taong nagturo ditong magsara.
Nahiga nalang ako sa kama at humarap sa balcony ng kwarto ko habang yakap ang unang kalapit ko. Walang tigil sa pagdaloy ang mga luha ko. Para nang gripo ang mga mata ko. Kapag nagmulat ako nakikita ko syang nakangiti habang binabanggit ang pangalan ko at kapag pumikit naman ako ay nararamdaman kong nakayakap lang sya sakin. Ang gulo ng isip ko.
Maya maya'y naramdaman kong may pumasok sa loob ng kwarto ko. Kilala ko ito, walang iba kundi si Rob. Pabango palang nya, yabag palang ng mga paa nya, at t***k pa lang ng puso nya saulo ko na. Naupo sya sa kama, sa may bandang likod ko. Alam kong nakatingin sya sakin. Hinaplos nya ang buhok ko at nagpakawala ng napakalalim na buntong hininga, tapos ay biglang tumawa. Nababaliw na yata ang lalaking ito. Narinig ko pa syang lumunok ng laway bago magsalita.
"I don't know what's on your mind, but your heart shows it all. I know you still love him, though you deny it a million times. You never get irritated to me the way you irritated to him. You never cry for me the way you cry for him... I'm very envous. I'm the one who's here for you, but you keep on thinking about him. I'm damned jealous." lalo naman akong naiyak sa mga sinabi ni Rob. Feeling ko napakasama ko sakanya.
"I'm not asking you to love me, but I'm begging you to see me. Don't be blinded by your past, but be guided with what's in the present. I love you and good night, Elly." yun ang huli kong narinig sakanya tapos hinalikan nya ako sa aking buhok at tuluyan nang lumabas ng kwarto ko.