CHAPTER 16

1146 Words
Paano nga ba mag-move on? Halos limang taon ko na iyang tanong sa sarili ko. Lagi nila akong tinatanong, "Kelly, nakamove-on ka na ba kay Paulo?" tapos itatanong ko sa sarili ko, move on na nga ba? Minsan sasagot ang utak ko, oo nakamove on ka na, pero lagi namang kontra ang puso kong tanga.. hindi pa, baka nga hindi na. At kapag may nagtanong ulit sakin kung nakamove on na, syempre OO ang sagot ko dahil ayoko kong magmukhang kawawa. Isa pa, paano ako makakamove-on e, parang photocopy ni Paulo si Jared.. parang kasama ko din sya dito sa Paris. Pero kahit na galit na galit ako kay Paulo.. never ko syang siniraan kay Jared. Hindi naman kasi sya irresponsible pagdating kay Jared. Yun nga lang, medyo nag-iba na ang ugali ni Jared.. nahaluan na kasi ng European culture kaya medyo nabawasan ang pagkapinoy. He's turning 9 na, pero kahit ganun.. baby ko parin sya at alam nya yun. Oo nga pala, I pursue my career here as an Architect. Nakapagpatayo na nga ako ng sariling office ko near in our house. Sobrang dami kong client.. siguro mga 6 or 7 sa isang araw. Halos sa family ko, kay Jared at sa work ko lang pinaikot ang mundo ko. Ayokong isipin kung ano mang problema mayroon ako sa Pilipinas. Kasalukuyan akong nandito sa office. Isang tambak ang trabaho ko, malas dahil nakaday-off ang secretary ko. Kung alam ko lang na ang daming client ngayon, bukas ko nalang sana pinagday - off. "Ms. Kelly, I want to have a little fire place here" sabi noong pang-anim kong client, si Madame Louisell may-ari ng isang kilalang clothing line dito sa Paris. Pang-anim pa lang sya.. may dalawa pa akong haharapin after lunch. "A fire place?Hmm.. let's see" sabi ko sabay tingin sa plano ng bahay nya na ako ang gumawa, "Ah! Yes, we can put a fire place here, but we need to move your entertainment room just a little bit." sabi ko na mukhang sinang-ayunan naman nya. Actually, matagal ko na syang client... siguro nagsisimula pa lang ako sa industry. Ako nga ang nagdesign ng bago nyang botique. "Do what you want, after all your ver good at this and very creative indeed." papuri nya sakin. So, after namin magdiscuss nagpaalam na sya. Nakakapagod, pero sulit naman lahat ng kinikita ko. Nagugutom na rin ako, lalabas na sana ako ng office para maglunch ng may dumating. "Hi, Kelly!" bati ni Robert Hugh. Si Robert ay aking manliligaw. Ilang beses ko na sinasabi sakanya na kahit nakipaghiwalay na ako sa asawa ko ay asawa ko parin yun dahil wala naman kaming legal separation. Pero makulit talaga sya, at infairness sakanya... binata pa kahit 32 years old na sya at talagang mahal din nya sila Mommy at Jared. Ayoko lang talagang pumasok muna sa relasyon kaya "waiting" nalang daw sya. "Hello!" sabi ko sabay beso.. oy.. wag kayong malisyoso ha? culture yun dito. "What brings you here?" dagdag ko "Lunch? ^___^" sabi nya sabay taas ng dala nyang pagkain "Oh, perfect.. I'm starving.." sabi ko sabay ngiti. You know guys, I'm starting to like this man. Pero LIKE pa lang ha?! Then, kumain na kami. Ang sarap nyang magluto. Yes, sya mismo ang nagluto nitong kinakain namin. Isa syang chef. Ngayon, Pilipino food ang dala nya.. galing naman, nakapagluto na sya ng adobong manok.. and it's my favorite taste already! Pagkatapos naming kumain ay umalis na din agad sya.. may malaki daw silang handaan ngayon sa restaurant kaya dapat bumalik na sya doon agad agad. Great! Ako na naman mag-isa. Nakakaboring. Ayoko namang manuod ng tv dahil nakakaantok ngayon ang mga palabas. Nagbuklat buklat nalang ako ng fashion magazine habang nag-iintay sa susunod na client. Nakakailang pages palang ako ng may tumawag sa telepono. "Hello?" tanong ko sa kabilang linya "Is this Ms. Kelly?" tanong din nya "Yes, speaking. Who's on line?" tanong ko ulit "This is Mr. Richardson, the one who call you yesterday" "Ahh.. I remember sir. You have a meeting with me this afternoon." pagpapaalala ko ng schedule namin "Yes, and about that... can we cancel it today? There is an emergency in my company and I think I can't go back early. Is it okay if we could have it by tomorrow morning instead?" "Yes sir.. anytime." "Okay.. thank you for understanding. Bye" tapos binaba ko na. Yes.. isa nalang. Halos kabibitaw ko palang sa telepono ay nagring na naman ito. "Hello?" tanong ko ulit "Ms. Kelly? May pinapasabi po si sir Lance" sabi ni Violeta.. oo kilala ko na, Filipina din sya kahit yung boss nya na client ko--si Lance. "Oh, bakit daw? May meeting kami nun ah? Asan na ba yun?" "Yun na nga Ms. Kelly e.." putol nya, feeling ko di matutuloy dahil emergency hayy... "Nagkaproblema po kasi. Inatake sa puso si Don Ignacio." dagdag nya. "Ha? Di ba nasa Pilipinas si Don Ignacio? Eh, di nandun din ang sir mo?" "Opo, kaya nga po.. baka daw po pwdeng pumunta kayo sa Pilipinas para doon idiscuss tutal po daw dun nya ipapagawa yung bahay" "What?!! Ang laki ng gastos ko at paano naman yung anak ko? Iiwan ko dito?" "Ay Ms. Kelly.. wag kayong mag-alala.. sagot po ng company namin ang lahat kasama ng sa anak nyo" "Si-sige" *** Kailangan kong sabihin ito kay mommy. Itatanong ko kung payag ba sila.. pero parang mas magandang tanungin ang sarili ko..handa na ba talaga ako? "Kelly? May sasabihin ka ba? Kanina ka pa lakad ng lakad jan.. nahihilo ako sayo" sabi ni mommy "ha??" wala sa sarili kong sagot "Sabi ko, may sasabihin ka ba? Ano bang nangyayari sayo?" "Ahh.. mommy about kasi dun sa work ko" panimula ko. "Yung project with Lance Gomez? Kasi ano.. pano ba to.. ano kasi ano" "Ano?" inis na sabi ni mommy. Bahala na nga "KAILANGAN KO DAW PUMUNTA SA PILIPINAS PARA DOON NALANG IDISCUSS SA KANYA ANG PLAN KASI INATAKE ANG DAD NYA KAYA NANDUN SYA NGAYON." binilisan ko nalang. "Pilipinas? Ibig sabihin?? Paano ang anak mo?" "Mommy, sasagutin ang lahat ng company nila kasama si Jared" "Anak, wala akong pakialam sa perang gagastusin.. pero.." putol ni mommy, "Are you sure, you're ready to go back?" tanong nya. Napaisip naman ako, ready na nga ba? "You know, maraming masasakit na nangyari doon" pag-aalala nya "Yes!" determinado kong sagot. Kahit medyo may kaba na baka magkita kami ni Paulo. "Yes, mommy ready na ko. It's been five years.. and after all, namimiss ko na din sila Mia.. ni hindi nila alam na wala na ako sa 'Pinas at nandito sa Paris. Ang dami ko nang utang sakanila" Tumango naman si Mommy sign na pumapayag na sya. "So, better pack your things now" ngumiti lang ako kay mommy at hinug sya.. "Thanks po" tapos umalis na sya.. I'm coming back, be ready.. for the brand new Kelly Araneta-Santiago
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD