ALEX'S POV Ramdam kong may mali kay Zandro these past few days. Bumalik iyong pagiging gloomy niya palagi at unti-unti na siyang nagiging taong-bato ulit sa harapan ng iba maliban kay Phil. Buong akala ko noon ay naalis na ni Shie ang ugaling iyon ng kakambal ko pero bakit bigla-bigla ay balik na naman ito sa rati? May nag-iba talaga eh! Mayroon bang nangyari na di ko alam? Huwag niyang sabihing he's fallen out of love kay Shie? Babalatan ko ng buhay ang lalaking iyon kahit kakambal ko pa ito kung sasaktan nito iyong kaibigan ko. Pero hindi naman gano'n ang pagkakilala ko kay Zandro. Imposibleng agad-agad magbabago iyong nararamdaman niya kay Shie gayong si Phil nga buong buhay niyang hinintay noong nasa in-denial stage pa. Ganoon magmahal ang isang Zandro Carson kaya sobrang saya ko

