MAE'S POV Ilang buwan na mula noong naaksidenti si Shie at ito iyong unang pagkakataong makakasama namin siyang gumala ng mga kaibigan namin. Hindi pa nga sana siya sasama kung hindi lang magaling mamilit si Alex. Palihim ko siyang pinagmamasdan habang nakikinig ako sa kwentuhan nina Joy at Caren na di rin naman masyadong malinaw dahil sa maingay na paligid ng kinaroroonan naming bar. May lihim akong pagdaramdam sa babaeng ito. Simula kasi noong naging boyfriend niya si Sir Zandro ay bibihira na siyang makipag-jamming sa amin nina Joy. Minsan nga tuwing magkakasalubong kami sa office ay nilalampasan niya lang ako na para bang hindi niya ako kilala. Akala ko noon una ay ako lang ang nakaranas ng ganoon pero nang minsan kong nakausap iyong iba naming mga kaibigan ay naikwento nila sa a

