"How dare you!" sumisingasing na sigaw ni Jay kay Shie at kung hindi ako naging maagap ay siguradong muli na naman niyang naabot ang buhok ng kaibigan ko. Pero ang tanong, kaibigan ko nga ba talaga itong Shie na tinutulungan ko ngayon? Nagugulugan na ako at parang gusto ko na lang humandusay at itulog lahat at baka dala lang ng aking nainom itong mga nangyayari. "Baliw ka ba? Hindi kita kilala bakla ka!!" patiling sigaw ni Shie. Parang gustong umikot ng paningin ko dahil sa narinig mula sa kanya. Lasing na ba ako o baka naman itong si Shie ang lasing kaya di namumukhaan itong kaharap niya? Kung meron mang tao na hinding-hindi makalimutan ni Shie kahit mabagok pa iyong ulo niya ay si Jay iyon. Si Jay na dahilan kung bakit minsan sa buhay niya ay namuhi siya sa mga bakla. Si Jay na il

