ZANDRO'S POV Pagod akong umuwi ng bahay. Medyo ginabi ako dahil kinausap ko pa iyong mga tauhan ni Tito Kian na naka-assign upang manmanan ang mga kilos ng babaeng kasalukuyang nagpapanggap na si Shie. Simula noong unang beses ko siyang nahalikan sa hospital tatlong buwan na ang nakalipas ay alam kong hindi na siya ang Shie na minahal ko. Tandang-tanda ko pa ang kakaibang takot na bumalot sa buo kong pagkatao noong mga oras na iyon. Ipinagpasalamat ko na lang na napigilan ko ang sarili na gumawa nang padalos-dalos na hakbang sa mga sandaling iyon. Pero kahit gaano pa kabilis ang ginawa kong pagkilos upang alamin kung nasaan ang totoong Shie ay nahuli pa rin ako. Bigla ay parang bula itong naglaho kasama ang buong pamilya nito. Nang puntahan ko ang kapatid nito ay wala ring maka

