Matapos ang nakakapagod na biyahe ay sa wakas muli na naman akong tumuntong sa lugar na tinakasan ng buo kong pamilya. Di ko kayang ipaliwanag ang nararamdaman. Di ko mapigilang kabahan at parang ayaw humakbang ng aking mga paa . Mabuti na lang at maintindihin si Dok Ace kaya sa pinakamalapit na hotel sa airport na nilalagan ng sinakyan naming eroplano niya piniling tumuloy kami. Magkatabi iyong silid na kinuha niya para sa aming dalawa at dahil kapansin-pansin ang di maganda kong disposisyon ay sinamahan niya muna ako sa silid ko. Nakatulong ang magandang suite na napili niya para sa'kin upang gumaan ang pakiramdam ko. "I will just call Victor na rito na lang tayo kakatagpuin," pagbibigay alam ni Dok Ace sa'kin ilang sandali matapos busisihin bawat sulok ng silid ko. Parang sinadya

