Nang muli akong nagising ay nagsisindihang ilaw na ang naaninag ko mula sa labas. Mahina akong napaungol nang sumigid ang masarap na pananakit sa buo kong katawan nang tangkain kong bumangon. Kinakialangan ko pa ng ilang minutong sanayin ang katawan ko sa nararamdaman kong pangangalay at pananakit bago ako tuluyang nakabangon. Hindi ako makapaniwalang buong araw kaming nagkulong sa silid na ito matapos ang halos magdamagan naming pinaggagawa. Ang resulta tuloy ay pananakit ng buong katawan ko at iilang markang iniwan ng dalawa sa mga tagong bahagi. Nakasuot na ako ng malaking t-shirt pero walang panloob at hula ko ay kay Phil ito. Mabuti na lang at mukhang nakumbinse na ang isang iyon na di na ako muling mawawala pa kaya nagising ako ngayong hindi ito nakabantay sa'kin. Paika-ika ko

