Para kaming mga estudyanteng pasaway na pinatawag sa principal's office nang dumating si Zandro. Nakahelira kaming nakaupo nang tabi-tabi habang nagpalakad-lakad sa harapan namin ang galit na galit na si Zandro. Ewan ko ba kung bakit kabado yata kaming lahat eh wala naman kaming ginawang masama. Oo nga at naabutan niya kaming halos gumapang na sa kalasingan doon sa pinuntahan naming bar pero wala namang mali roon dahil nagkasiyahan lang naman kami at agad din kaming nahimasmasan nang bigla siyang sumulpot. Hindi rin masasabing masama iyong pananakit naming dalawa ni Phil kay Yudz kasi justified naman iyon, mali pero tama... tumama iyong kamao namin sa mukha nito! Kami yata iyong pinakamasabon ngayon kaya magkatabi kaming mahigpit na magkahawak-kamay. Kanina ay gusto ko nang masuka sa d

