Lalong naging plastic iyong pagkakangiti ko kay Yudz. Ang mapanglait na nilalang na ito ay masarap lunurin sa hanggang tuhod na lalim ng dagat. Pero dapat chill lang ako kasi sa ilang beses naming pagkakaharap nang ganito ni Yudz ay napagtanto kong ang talo ay iyong unang mapipikon. "Kung kasabay ng pagkawala ng ganda ko ay ang paglalaho mo sa buhay ko ay excited na ako!" nakangiti pero mariin kong pahayag. Pero sadyang makapal ang mukha ng isang ito at di talaga natatablan dahil mas lumawak pa iyong ngiti na akala mo ay nanalo sa lotto. Ako iyong laging talo eh kasi gigil na ako sa sobrang inis pero nakangiti pa rin itong hampas lumpiang lalaking ito! "Sinasabi mo lang iyan kasi ayaw mong mahalata ko na lagi mong hinihintay ang pagdating ko. Alam kong lagi mong hinahanap ang presens

